Bagong manliligaw ni Erich super rich, may private plane
PAGKATAPOS ng pa-block screening ni Kris Aquino sa pelikulang “Siargao” nitong Huwebes ay nag-imbita ng meryenda cena ang Queen of All Media sa bago niyang bahay sa Green Meadows Subdivision para ituloy ang kuwentuhan tungkol sa pelikula.
Manghang-mangha si Kris sa 2017 MMFF entry ni Erich Gonzales dahil sa ganda ng Siargao. Aniya, “I’ve been to Siargao but dito ko nakita kung gaano kaganda siya talaga, grabe! It is beautiful!
“Sa inaanak kong si direk Paul Soriano, I was just so amazed with how beautiful the cinematography was. I think that’s what a movie should be, It should transport you di ba, dapat ‘yung movie madadala ka ro’n sa lugar and it has make you fall in love with the place.
“Kasi it makes you proud Pinoy kasi marami na akong napuntahang beaches sa ibang Asian countries, ang layo! No offense, love you all but love your own. Amazing ‘yung mga drone shots and she (Erich) can’t swim, ha! But the very fact na nagawa niyang mag-surf, I’m so proud of you!” papuri ni Kris kay Erich.
Todo naman ang pasasalamat ng dalaga sa kanyang ate Kris sa pa-block screening at sa mga papuri nito sa pelikula.
Samantala, tinanong ni Erich kung naka-relate ba si Kris sa kuwento ng movie dahil napansin niyang napaluha ang Queen of Online World and Social Media sa ilang eksena.
“I think lahat tayo nakaka-relate sa story dahil lahat tayo mayroong pinanghihinayangan,” saad ni Kris.
Ang eksenang nag-propose raw si Enchong kay Erich ang talagang nagpaluha kay Kris, “Wala lang, gusto ko lang! Hayaan mo na, hayan naluha na naman ako. May I cry-cry talaga ako. Basta let’s keep the privacy for 2018, hanggang sa birthday ko. Ha-hahaha!” natatawa pang sabi ng social media influencer.
Kung si Kris ay napaluha ay panay naman ang hiyaw ni Bimby sa eksenang marriage propose at nag-kiss sina Enchong at Erich, “No! No kiss! No kiss! Go, accept it, he’s a nice guy, but no kissing.” Kaya naman nagtawanan ang mga nasa loob ng Ayala Malls The 30th cinema.
Anyway, maraming humanga sa magandang katawan ni Erich na walang takot na nag-two-piece sa pelikula.
“Kaya nga hindi ko na lang inaway (mga basher) ‘yung mga nagsabing photoshopped lang ‘yung calendar ni Erich, kasi I saw the raw footage, I saw the shots because ‘yung stylist niya, stylist ko rin so they have the raw shots,” pagtatanggol pa ng proud ate ng aktres.
Nakatulong ng malaki ang pelikulang “Siargao” kay Erich dahil naging instrumento ito sa pag-move on niya sa break-up nila ni Daniel Matsunaga.
Sabi ni Kris, “Kaya nga after ‘Siargao’ na-uplift ka na, malaki ang nagawa (pagbabago) ng movie sa buhay mo.”
At pambubuking naman nito kay Erich, “Eto, inside scoop, mayroon daw dumadalaw sa ‘yo sa Siargao, sino ‘yun?”
Sangga ng dalaga, “Bawal, walang dumadalaw!” Pero hirit ni Kris, “Meron! Naka-private plane pa!”
Paliwanag ng mama nina Joshua at Bimby, “I’m not saying kung sino, I’m just saying, now you understand why galit na galit ako do’n sa gumagawa ng intriga about her at ‘yung mga inaanak kong sina direk Paul (Soriano) at si Celestine (Toni Gonzaga).”
Singit naman ni Erich, “Sabi ko kasi kay ate Kris, okay lang ‘yan, bahala sila. Pero sabi niya, ‘no! Hindi puwedeng bahala na.”
Dagdag pa ni Kris “Hindi puwede. Dapat ‘yung mga fake news na ganyan, nip it in the bud because you have to live your truth.”
q q q
Narito naman ang isa pang komento ni Kris sa “Siargao”, “This movie teaches you about humility kasi lahat tayo, we had our yabang moments in our lives that we want to make up for and acknowledging kung kailan ka nagkamali and trying your best to make up for it.
“Na-impress ako kasi everybody (cast) acted so naturally, ikaw (Erich) si Jasmine (Curtis), si Echo (Jericho Rosales). Magaling si direk Paul kasi nagawa niya in such a way that I didn’t feel your acting.”
“Now naintindihan ko na why the word of mouth is so great and I just want to congratulate your entire team, lahat ng bumuo ng ‘Siargao,’” pahayag pa ni Tetay.
Pagkalipas ng isang oras after ng block-screening ay nag-post na si Kris ng interview niya kay Erich habang nasa loob ng sinehan kung saan pinuri-puri niya ang pelikula at inimbita ang lahat ng hindi pa nakapapanood. Sa huling silip namin sa video, umabot na ito sa 192,770 views.
Hanggang Jan. 7 pa pwedeng mapanood sa mga sinehan ang “Siargao” bilang bahagi ng MMFF 2017 at posible pa itong ma-extend.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.