ITINALAGA ni Pangulong Duterte si Department of Interior and Local Government (DILG) officer-in-charge (OIC) Catalino Cuy bilang bagong Chairperson ng Dangerous Drugs Board kapalit ng sinibak na si dating DDB chair Dionisio Santiago.
Pumalit naman kay Cuy bilang OIC ng DILG si Undersecretary Eduardo Ano.
Matatandaang sinibak si Santiago matapos ang kanyang komento kaugnay ng ipinatayong drug rehabilitation sa Nueva Ecija.
Nakatakda namang italaga si Ano bilang Kalihim ng DILG pagkatapos ng isang taong prohibisyon matapos namang magretiro bilang Chief of Staff ng Armed Forces.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.