Nakuryente sa parlor game, patay | Bandera

Nakuryente sa parlor game, patay

John Roson - January 04, 2018 - 06:35 PM
Nasawi ang isang lalaki nang aksidenteng makuryente habang lumalahok sa parlor games ng New Year’s party ng kanilang youth association, sa Pozorrubio, Pangasinan, nitong Miyerkules, ayon sa pulisya. Isinugod pa sa ospital si Arnold Mejia, 24, ngunit di na umabot nang buhay, ayon sa ulat ng Pangasinan provincial police. Naganap ang insidente dakong alas-4:30 ng umaga, habang idinaraos ng Northern Youth Malasin Association ang New Year’s Party nito sa Sitio Calumpagi, Brgy. Malasin. Sa gitna ng pakikilahok sa larong “Trip to Jerusalem,” aksidenteng nasipa ni Mejia ang bakal sa center tower ng sound system na diumano’y grounded. Dahil doo’y nakuryente si Mejia at nawalan ng malay, ayon sa ulat. Dinala si Mejia sa Pozorrubio Community Hospital para malunasan, pero idineklarang dead on arrival ng doktor. (John Roson)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending