4 Kapuso stars humakot ng tropeo sa 2017 FAMAS Awards
MAGANDA ang pagtatapos ng taong 2017 para sa ilang Kapuso stars matapos tumanggap ng parangal sa nakaraang 2017 FAMAS Awards.
Ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes ay recipient last year ng FPJ Memorial Award dahil sa kanyang husay, karisma, at pagmamahal sa genre ng aksyon.
Ang direktor at My Korean Jagiya actor naman na si Ricky Davao ang nakasungkit ng Best Supporting Actor Award para sa pagganap niya sa pelikulang “Iadya Mo Kami.”
Hindi rin pahuhuli ang Phenomenal Star na si Maine Mendoza at The One That Got Away actor na si Ivan Dorschner na parehong ginawaran ng German Moreno Youth Achievement Award. Congratulations, mga Kapuso!
q q q
Patuloy pa ring tinututukan ng manonood sa buong bansa ang GMA Telebabad series na Kambal Karibal na pinagbibidahan nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali.
Sa pagpasok pa lang ng Bagong Taon ay puro pasabog na ang mga eksenang napanood sa Kapuso serye kung saan isa-isa nang nabubuking ang mga lihim ng bawat karakter, lalo na ang mga itinatagong sikreto nina Teresa (Jean Garcia) at Dr. Raymond (Marvin Agustin).
Tutukan din ang mga susunod na eksena nina Geraldine (Carmina Villaroel) at Allan (Alfred Vargas) na siguradong ikaka-shock n’yong lahat. At siyempre, patuloy pa ring pinakikilig at pinaiiyak nina Crisanta (Bianca) at Diego (Miguel) ang manonood sa kanilang mga eksena gabi-gabi sa Kambal Karibal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.