PINAGTULUNGAN ng pamilya ni Ai Ai delas Alas ang mga bashers sa Instagram na karamihan ay fans daw nina Alden Richards at Maine Mendoza.
Nagsimula ang pangnenega ng mga netizen nang mag-post si Ai Ai ng litrato nilang pamilya kasama si Alden na kuha sa birthday celebration ng Pambasang Bae noong Jan. 2 sa Concha’s Garden Cafe sa Quezon City. May caption itong: “First family picture of 2018.. happy bday baby boy Alden.”
Ayon sa ilang fans ni Alden grabe naman daw kung makahawak ang anak ni Ai Ai na si Sophie sa binata, feeling mag-boyfriend daw ang drama nito. Sinagot naman ito ni Sancho ng, “Hindi komo nakangkla jowa na. pasensya na nakakangkla kami ke alden kase parte na ng pamilya namin yun. Tumigil na nga kayo ng kakaganyan nyo!”
Sinupalpal din ni Sophie at ng asawa ni Ai Ai na si Gerald Sibayan ang mga bashers. Talagang sinagut-sagot nila ang mga netizen dahil marami raw silang oras para pumatol dahil wala raw silang trabaho.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.