3-anyos dinukot para mamalimos, nabawi; 2 suspek dakip | Bandera

3-anyos dinukot para mamalimos, nabawi; 2 suspek dakip

John Roson - January 03, 2018 - 07:18 PM
Nabawi ng mga otoridad nitong Miyerkules ang 3-anyos na batang babaeng dinukot sa Las Pinas City, para umano mamalimos sa Cavite, ayon sa pulisya. Nabawi ang bata sa bahay ng lalaki na isa umano sa mga nasa likod ng pagdukot, sa Brgy. Binakayan, Kawit, sabi ni Chief Supt. Tomas Apolinario, hepe ng Southern Police District. Nadakip din doon ang lalaking suspek na si Cerio Cinolete, 26, isang barker. Bago iyo’y nadakip sa Zapote, Las Pinas, ang babaeng suspek na si Giselle Omayan, na siyang nagkanta sa kinaroroonan ni Cinolete at ng dinukot na bata, ani Apolinario. Dinukot ang bata noong Disyembre 30 sa Ilaya, Las Pinas, pero noon lang Martes naiulat sa lokal na pulisya ang insidente. Binalak ng mga suspek na ipatubos ang bata sa kanyang magulang sa halagang P3,000 hanggang P5,000, o di kaya’y ibenta ito sa halagang P8,000 hanggang P10,000, ani Apolinario. “Either ipapatubos or ibebenta sana ‘yung bata. Pero nung hindi nag prosper plano nila (suspects) ay gagawin na lang daw sana nilang tagapalimos sa kalye,” aniya. Napag-alaman na bagamat may “sideline” ang magulang ng bata ay kapwa sila walang regular na trabaho, kaya di kakayaning matubos ang anak. “Sa Cavite gagawin mamamalimos ‘yung bata,” ani Apolinario.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending