IPINAHINTO ni Pangulong Duterte ang paghahayag sana ni Presidential Spokesperson Harry Roque ng pangalan ng opisyal na sisibakin.
“Well, ako po dapat ang nagsabi noon, pero ngayon po, as of 7:20 (ng umaga kahapon) ay nakakuha po ako ng text na i-hold ko muna daw po ang announcement,” sabi ni Roque sa isang panayam sa radyo.
Sa isang briefing sa Malacanang, bagamat hindi pa rin pinangalanan ni Roque ang opisyal, inamin ni Roque na pinahinto ang paghahayag sa pangalan ng opisyal dahil na rin sa isyu ng legalidad ng magiging aksyon ni Duterte.
“When I inquired from PMS (Presidential Management Staff), what they said was they gave the President a copy of the legislative charter of the agency headed by the officer ‘no. And the President was reviewing the legislative charter of that agency,” ayon pa kay Roque.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.