Mag-utol na celebrity matindi pa rin ang galit sa ina | Bandera

Mag-utol na celebrity matindi pa rin ang galit sa ina

Cristy Fermin - January 03, 2018 - 12:15 AM


PAKIRAMDAM ng mga dating malapit sa kanilang pamilya ay hindi pa magaganap kung sa ngayon lang ang pagkakasundo ng isang popular na mag-iina sa showbiz.

Puwedeng mangyari dahil wala namang imposible pero hindi pa ngayon mangyayari ang kanilang pagkakaintindihan.

Nu’ng nakaraang selebrasyon ng Kapaskuhan ay gumawa pala ng paraan ang aktres para kahit paano’y makausap ang kanyang mga anak pero wala ring nangyari.

Kuwento ng aming source, “Naka-block na kasi siya sa lahat ng social media accounts ng mga anak niya. Para iwas-stress, para wala nang kung anu-anong issue, may mga nagpayo sa mga anak niya na huwag nang magkaroon pa ng communication ang mga bagets sa madir nila.

“Matagal na ‘yun, kasi nga, naguguluhan na ang magkakapatid dahil sa mga ipino-post ng mommy nila. So, mga friends na nila ang nagsabi na para wala nang ganu’n, block na lang ang mommy nila.

“Nu’ng nakaraang Christmas, e, may pinakiusapan ang mommy na family friend nila. Baka naman puwedeng makausap niya ang mga anak niya. Lahat na ng paraan, e, ginawa niya, todo-pakiusap na ang girl sa mga dating kasamahan niya, pero hindi pa rin siya nagtagumpay.

“Walang nangyari, mailap pa rin ang magkapatid, wala silang pinagbigyang pakiusap ng mommy nila. Bigo pa rin si mommy, ilang taon na siyang bigo, tumigas na talaga ang loob ng mga bagets sa kanya,” pagtatapat ng aming impormante.

Iniiyakan pala ng aktres ang magagandang pangyayari sa career ng kanyang mga anak. Nakikibalita siya, nakikiramdam, pero hanggang du’n na lang ang nagagawa ni mommy.

“Nu’ng mga bata pa sila, e, puwedeng sabihin na nadidiktahan lang kasi sila kaya lumayo ang loob nila sa kanilang mommy. Pero nu’ng magsilaki na sila at nakaiintindi na, sila na ang naka-discover kung ano ang totoong nangyari sa parents nila.

“Du’n na nagsimulang lumayo ang loob nila kay ____ (pangalan ng female personality), marami silang nalamang scenario, awang-awa sila sa daddy nila.

“Naku, matagal na matagal pang mangyayari ang pagkakaintindihan ng mag-iina. Posibleng mangyari ang engkuwentro nila, pero hindi pa ngayon, hinding-hindi pa ngayon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kailangan n’yo pa ba ng clue? Huwag na, baka hagisan kayo ng bola ng magkapatid!” pagtatapos ng aming source.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending