Joross, Edgar Allan hindi kayang mag-sex, maghalikan sa gay movie
HINDI keri nina Joross Gamboa at Edgar Allan Guzman ang maglaplapan at magromansahan kung sakaling operan sila ng seryosong movie tungkol sa kabadingan.
Sa festival movie kasi nilang “Deadma Walking”, magkaibigan ang role nila kaya comedy ang pagiging bading nila. Walang halikan, walang landian sa kama dahil sa characters nilang ginampanan.
“Ako, hindi ko kayang gumawa ng ganoon,” saad ni Joross nang muling magpa-presscon para sa kanila ang T-Rex Entertainment.
“Ako, hindi ko rin kaya,” sagot ni Edgar Allan.
“Kaya kong titigan si Joross pero ‘yung respeto ko sa kanya parang mawawala kapag nilaplap ko siya! Ha! Ha! Ha!” dugtong ni EA.
“Baka kapag nag-sex na kami sa eksena mag-iba ang tingin namin sa isa’t isa! Ha! Ha! Ha!” rason ni Joross.
Hindi naman daw kasi dinadala ni Joross sa bahay ang gay role niya, “Binubura agad ‘yon ng aking asawa! Binabalik niya ako sa pagkalalaki. ‘Who’s your wife?’ Ha! Ha! Ha!” sabi pa niya.
Sa movie, very convincing ang pagiging loud gay ni EA kaya naman siya ang pinarangalang Best Supporting Actor sa 2017 MMFF.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.