GOODBYE 2017: 10 PASABOG NA PETMALU | Bandera

GOODBYE 2017: 10 PASABOG NA PETMALU

|December 30,2017
facebook
share this

GOODBYE 2017: 10 PASABOG NA PETMALU

- December 30, 2017 - 12:01 AM


EMPOY MARQUEZ: ‘THE MILLENNIAL POGI’

Binansagang “bagong mukha ng pogi”, biglang umariba ang career ni Empoy pagkatapos ng phenomenal success ng kanyang indie movie na “Kita-Kita” katambal si Alessandra de Rossi. Naging instant heartthrob ang komedyante at nagsilbing inspirasyon sa mga lalaking may mga hugot pagdating sa usaping pag-ibig.

JOEY DE LEON: ISKANDALO SA DEPRESYON

“‘Yung depression gawa-gawa lang ng mga tao yan. Gawa nila sa sarili nila!” Yan ang makasaysayang pahayag ng TV host-comedian na naging dahilan kung bakit siya na-bash nang bonggang-bongga sa social media. Pati ang mga kapwa niya celebrities ay umalma sa kanyang naging komento about depression.

Sa dami ng bumatikos, napilitang mag-sorry si Joey, “Nagkamali po ako dala ng gulo at tuksuhan natin, naging mababaw lang at magaan ang pagtanggap ko sa salitang ‘yan. So ako’y nanghihingi ng paumanhin sa mga napaitan sa mga nabanggit ko at humihingi ng inyong unawa.”

TITO SOTTO: NAANO SA ‘NA-ANO COMMENT’

Binulabog ni Tito Sen ang sambayanang Pinoy nang okrayin niya si Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo sa hearing ng Commission on Appointments. Binatikos ang senador nang gamitin niya ang mga katagang “Na-ano lang” para ilarawan ang mga single mother tulad ni Taguiwalo.

Agad nag-sorry ang TV host-politician sa lahat ng na-offend at nagsabing hindi lang daw nakuha ng mga ito ang kanyang punch line. Dahil dito, naging top trending topic sa Twitter ang #TitoSotto at nakasama sa Top 10 worldwide.

ISABELLE GRANADA: SHOCKING ANEURYSM

Pumanaw ang dating member ng That’s Entertainment matapos ma-comatose ng ilang araw sa Hamad General Hospital sa Doha, Qatar. Nag-collapse ang aktres dahil daw sa brain hemorrhage due to aneurysm. Dahil dito, mas maraming Pinoy ang naging aware sa aneurysm at kung paano maiiwasan ito.

Matapos ilibing si Isabel, inanunsyo ng kanyang mga supporter ang pagtatatag ng Isabel Granada Aneurysm Awareness Foundation. Layunin nitong paigtingin ang kaalaman ng publiko sa sakit na aneurysm.

JAKE ZYRUS: PATAY NA PO SI CHARICE!

Sa wakas, nagpakatotoo na si Charice sa totoong pagkatao niya. Na-shock ang buong mundo nang ibandera niyang isa siyang lalaki. “I was scared to actually go out there and be one of those first people – I was scared basically to tell them, ‘Hey, I know that I’m a man. I know that I’m transgender.’ My soul is male.”

Inamin din ni Jake na pinatanggal na niya ang kanyang dalawang dibdib at nagte-take rin siya ng “testosterone” para bumaba ang kanyang boses. Siyempre, matinding panlalait din ang inabot ni Jake mula as mga bashers pero wala raw siyang paki. “I’m just letting everything happen to me. I’m just really happy that I’m going to be able to share my music again.”

JOHN LLOYD CRUZ & ELLEN ADARNA: NAGLASING, NAGPAKA-WILD, NA-IN LOVE

Nagsimula lang daw sa inuman ang love story nina Lloydie at Ellen na naging kontrobersyal pa dahil sa viral video ng Kapamilya actor kung saan makikitang lasing na lasing siya with matching dirty finger pa.

Humingi naman ng paumanhin si Lloydie sa fans, lalo na sa mga batang umiidolo sa kanya.

Hanggang sa magkainlaban na nga ang dalawa at ang balita, buntis na raw ang sexy actress. Dahil sa sobrang pagmamahal kay Ellen, pansamantalang iniwan ni John Lloyd ang showbiz at wala pang kasiguruhan kung kailan siya babalik sa pag-aartista.

MOCHA USON FOR SENATOR SA 2019

Mula sa pagiging sexy singer-dancer at sex guru, biglang tumalon sa mundo ng politika si Mocha.

Matapos suportahan ang kandidatura ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagka-presidente, itinalaga siya bilang Presidential Communications Operations Office Assistant Secretary.

Maraming nagtaas ng kilay sa ibinigay na posisyon sa kanya ni Digong ngunit pinanindigan ni Mocha ang kanyang posisyon.

Naniniwala naman ang kanyang mga ka-DDS that with her 5 million followers sa Facebook pa lang ay kering-keri ni Mocha Uson ang pagiging influencer sa mundo ng social media. Pero ang ikina-shock ng kanyang mga bashers ay ang pagtakbo raw niya sa Senado sa susunod na eleksyon.

P80M VICKI-HAYDEN WEDDING: YAYAMANIN!

May kakabog pa ba sa engrande wedding sa Paris ng dalawang celebrity doctors na ito? Mismong ang mga local celebrities na ang tumawag dito bilang “wedding of the year.”

Imagine, sa bridal gowns pa lang ni Dra. Vicki ay gumastos na sila ng P8 million (designed by Michael Cinco), idagdag pa ang five-course meal sa reception amounting to P16,000 per head para sa 250 guests.

Ito na ang ikalawang pagpapakasal nina Hayden at Vicki, naunang ginanap ang kanilang civil wedding sa kanilang bahay.

MAINE MENDOZA: MAGKAIBIGAN LANG KAMI NI ALDEN!

Bago matapos ang taon, gumawa pa ng matinding ingay ang Dubsmash Queen at Phenomenal Star ng Kapuso Network. Ito’y matapos siyang maglabas ng open letter para sa AlDub Nation, ang malawakang fans club nila ni Alden Richards.

Dito, walang takot na ibinandera ng dalaga ang kanyang tunay nararamdaman para sa kanyang ka-loveteam. Inamin niya na wala talagang namamagitan sa kanila ng Pambansang Bae na mas higit pa sa pagkakaibigan at pagiging magka-partner on screen.

“You deserve to know the truth that at this very moment Alden and I are just friends. We are a love team,” pag-amin ng dalaga.

Sa darating na Jan. 1, 2018 nakatakdang bumalik si Meng sa Eat Bulaga matapos ang mahabang bakasyon sa US. Ang tanong, maging kasing-hot pa rin kaya ng kanyang nga bikini photos sa social media ang kanyang pagbabalik sa mundo ng showbiz? Abangan!

MEET XANDER FORD: RETOKE KING

Sa halagang P800,000, nakamit ng internet sensation na si Marlou Arizala ang kanyang ultimate dream – ang mabago ang kanyang itsura. Isang surgeon ang nagbigay sa kanya ng bagong buhay sa pamamagitan ng pagretoke sa halos lahat ng bahagi ng kanyang mukha. At ipinakilala nga bilang si Xander Ford .

Ngunit hindi pa nagtatagal ang kasikatan ni Xander ay muli na naman siyang naging kontrobersyal dahil sa isang video kung saan nilait-lait niya si Kathryn Bernardo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Talagang kinuyog siya ng KathNiel fans na naging sanhi pa nang pagban daw sa kanya sa ABS.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending