Plastikadang female singer walang kuwentang amo, laging nilalayasan ng alalay | Bandera

Plastikadang female singer walang kuwentang amo, laging nilalayasan ng alalay

Cristy Fermin |December 30,2017
facebook
share this

Plastikadang female singer walang kuwentang amo, laging nilalayasan ng alalay

Cristy Fermin - December 30, 2017 - 12:15 AM


TINUTUKAN sa kuwentuhan ng mga musikero ang isang female performer na kung tawagin nila’y kakapiranggot pero saksakan nang maldita. Masarap kunong tirisin ang hitad dahil sa kakaiba niyang pakikitungo sa kanyang mga kasamahang musikero.

Ayon sa magkakaumpukan ay bait-baitan ang female performer sa harap ng mga camera pero saan ka, kapag sila-sila na lang ang magkakasama ay ibang-iba ang kanyang ugali, ibang klase kuno ang sumpong ng babaeng ito.

Sabi ng isang miron sa umpukan, “Walang tumatagal na PA ang babaeng ‘yun! Tuwing may show siya, iba ang kasama niyang alalay, puro bagong mukha tuwing may gig siya!

“Kunsabagay, nakapagtataka pa ba naman ‘yun, e, kung ang mga members nga ng bandang umaakumpanya sa kanya, e, pabagu-bago? Wala ring nakatatagal sa kanya!

“Saan ka naman nakakita ng bokalista ng bandang naturingan, pero tumutugtog na ang mga kasama niya, e, mukhang natutulog pa siya? Mismo! Wala siyang pakialam sa time!

“Kung kailan niya gustong bumangon, kung kailan niya gustong magpunta sa venue, siya ang dapat masunod! Walang makapipilit sa kanya sa kahit anong gusto niyang gawin.

“May mga time pa nga na kapag tinatamad siya, e, bigla na lang siyang magpapakontra-abiso sa bar na hindi siya makakapuwesto. Kiyemeng maysakit siya, kiyemeng namatay ang pusa niya, ganern!

“E, paano naman ang back-up band niya? Kapag walang tugtog, e, wala silang suweldo, kaya paano na ang mga pamilya nila? So, para hindi sila magutom, fly away na lang sila, lumilipat ng aayudahang singer, ‘yung hindi sumpungin na tulad ng boss nilang girl na itey!

“Ibang klase ang female performer na ito, ‘yun nga rin siguro ang dahilan kung bakit iniiwan siya ng mga nakakarelasyon niya. Mahirap kayang makipagrelasyon sa babaeng daig pa ang nireregla araw-araw!

“Ninanamnam niya talaga ang ugali niya! Ninanakaw niya ang kabuhayan ng mga kapwa niya musikero dahil sa pagiging tantrumera niya!” pagtatapos ng aming source habang napapailing.

Bigay na bigay na kung sino siya, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, getlak n’yo na ba kung sino ang kakapiranggot na female performer na ito?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending