OFW nagkakapustahan dahil sa The Good Son | Bandera

OFW nagkakapustahan dahil sa The Good Son

Reggee Bonoan |December 30,2017
facebook
share this

OFW nagkakapustahan dahil sa The Good Son

Reggee Bonoan - December 30, 2017 - 12:20 AM

JOSHUA GARCIA JEROME PONCE AT NASH AGUAS

HINDI malaman ni Enzo (Jerome Ponce) kung ano ang mararamdaman sa pag-amin ng inang si Olivia (Eula Valdez) na ang tatay ng kapatid nitong si Calvin (Nash Aguas) ay ang driver nilang si Dado (Jeric Raval). Ito’y base na rin sa umereng kuwento ng The Good Son nitong nakaraang Miyerkules ng gabi.

Bagama’t matagal nang may duda ang panganay na anak nina Olivia at Victor (Albert Martinez) ay iba pa rin kapag inamin ito sa kanya nang harapan.

At kahit nakagagalit ang karakter ni Olivia ay awa ang naramdaman namin sa kanya habang nagkukuwento kay Enzo kung paano at saan nagsimula ang relasyon nila ni Dado. Sa napanood naming mga eksena nitong mga nakaraang linggo, hindi na kami magtataka kung humakot muli ng Best Actress award si Eula next year.

Samantala, nalaman na rin ni Joseph (Joshua Garcia) na hindi niya tunay na kapatid si Calvin dahil nadulas na ang tiyuhing si Anthony (John Estrada) dahil nga pinipilit ng una na magpa-DNA test sila ni Enzo.

Nangatwiran si Anthony na hindi niya puwedeng pilitin ang mga pamangkin kung ayaw nila dahil baka hindi raw kayanin ni Calvin ang resulta na ikinagulat ni Joseph.

At bago matapos ang episode nitong Miyerkules ay ipinakitang galit na galit na tinatanong ni Enzo si Calvin kung siya ang pumatay sa tatay niya na hindi naman malaman ng huli kung ano ang isasagot.

Isa ang seryeng The Good Son sa pinakaaabangan ng mga kababayan natin hindi lang dito sa Pilipinas kundi pati na rin sa ibang bansa. Sa katunayan, nagkakapustahan pa raw ang mga kababayan nating OFW kung sino talaga ang pumatay kay Victor Buenavidez.

Pinuri rin ng viewers si Nash sa ipinakita niyang akting nitong mga nakaraang episode ng serye.

Kaya abangan ang The Good Son sa Primetime Bida pagkatapos ng La Luna Sangre.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending