Jeepney sumalpok sa puno, tumagilid; 20 sugatan | Bandera

Jeepney sumalpok sa puno, tumagilid; 20 sugatan

John Roson - December 29, 2017 - 04:53 PM
Dalawampu katao ang nasugatan nang sumalpok sa puno at tumagilid ang sinakyan nilang jeepney, sa Sagay City, Negros Occidental, Huwebes ng hapon. Sugatan ang driver na si Rodrigo Bernabat, 40, at lahat ng kanyang pasahero, kabilang ang apat na menor de edad, ayon sa ulat ng Negros Occidental provincial police. Naganap ang insidente dakong ala-1:40, sa bahagi ng National Highway na sakop ng Purok Linasgasan, Brgy. Bato. Minamaneho ni Bernabat ang jeepney (FVM-1764) mula Sagay City proper patungo sa direksyon ng bayan ng Don Salvador Benedicto, nang bigla itong mag-swerve sa kanan, sumalpok sa isang puno ng acacia, at tumagilid pakanan. Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na naputol ang “draggling” ng jeepney kaya nawalan ng kontrol sa manibela ang driver. Dinala ang driver at kanyang mga pasahero sa A.E. Marañon Sr. District Hospital para malunasan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending