1.2M OFWs na-repatriate, inayudahan sa reintegration | Bandera

1.2M OFWs na-repatriate, inayudahan sa reintegration

Liza Soriano - December 29, 2017 - 12:10 AM

MAS pinalawig ng pamahalaan ang ayuda sa repatriation at reintegration sa higit kumulang na 1.2 milyong overseas Filipino workers, ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Sa nasabing bilang, 1,170,514 OFW ang nakatanggap ng ayuda para sa welfare at protection, kabilang na ang serbisyo para sa reintegration at repatriation mula sa OWWA, mga regional offices ng DOLE, at mga attached agency, batay pa sa ulat.

Ang pinalakas na reintegration program ay nakapagbigay tulong sa 54,470 OFW returnees at kanilang pamilya, kung saan 28,256 rito ay sumailalim sa skills training, habang ang 26,214 OFW ay nabigyan ng ayudang pangkabuhayan.

Nakapag-repatriate din ang OWWA ng 36,438 OFW, kung saan 19,268 rito ay mula sa Middle East at nabigyan ng on-site assistance at P20,000 na tulong pinansyal.

Nasa 9,512 repatriated OFWs naman ang nabigyan ng karagdagang tulong pinansyal na P6,000, at 13,245 na mga OFW ang inayudahan ng food at hygiene kits.

Kasunod ng pagtatapos ng 90-araw na amnesty program ng Kingdom of Saudi Arabia para sa mga undocumented at stranded foreign nationals, nakapagtala ang OWWA ng 15,839 Filipino migrant workers na kumuha ng amnestiya, at 10,011 rito ang napauwi sa Pilipinas.

Sa ilalim naman ng Operation Bring-Them-Home ng OWWA para sa mga OFW sa Middle East, mayroong P514,412,350.21 milyong piso ang nailabas upang makapagbigay tulong sa pamamagitan ng pamamahagi ng food at hygiene kits, legal counseling at stress debriefing, medical at psycho-social services, at training assistance sa mga apektadong OFW.

Nakapagbigay rin ang OWWA ng post-repatriation services sa 14,165 OFWs, at 4,343 rito ang nakatanggap ng welfare services, kabilang ang medical, psychosocial counseling, stress debriefing, transport, at accommodation, habang ang 1,630 naman ay inayudahan para sa employment facilitation o training services, at 2,625 sa kanila ay nabigyan ng tulong pangkabuhayan.

Nabigyan rin ng legal assistance ang may 4,829 OFWs habang ang 354 sa kanila ay inayudahan ng serbisyo sa reintegration sa pamamagitan ng mga small and medium enterprise establishment sa pakikipagtulungan sa Department of Trade and Industry (DTI), habang ang 384 ay nabigyan ng educational assistance sa tulong ng CHED, DepEd, at DBM.
Deputy director
Josefina Torres
OWWA

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending