Julia, Jodi, Erich, Aljur, Robin unang isasabong ng Dos sa 2018 | Bandera

Julia, Jodi, Erich, Aljur, Robin unang isasabong ng Dos sa 2018

Ervin Santiago |December 29,2017
facebook
share this

Julia, Jodi, Erich, Aljur, Robin unang isasabong ng Dos sa 2018

Ervin Santiago - December 29, 2017 - 12:40 AM

JULIA MONTES, ERICH GONZALES AT JODI STA. MARIA

TATLONG bagong teleserye ang aabangan ng mga Kapamilya viewers sa pagpasok pa lang ng 2018.

Ito’y pagbibidahan ng tatlong pambatong leading lady ng ABS-CBN: sina Julia Montes, Jodi Sta. Maria at Erich Gonzales.

Sa first quarter ng 2018, mapapanood na ang crime drama na Asintado ni Julia. Sa inilabas ng teaser ng ABS-CBN, mapapanood ang dalaga na biglang nagising mula sa pagka-coma. Pagkatapos nito ay makikita nang nag-eensayo siyang bumaril at tine-train ni Aljur Abrenica. Makakasama rin sa seryeng ito sina Lorna Tolentino, Agot Isidro, Shaina Magdayao at Nonie Buencamino.

Kung hindi kami nagkakamali, ito ‘yung dating Victims Of Love, kung saan ka-join din sa cast sina Cherry Pie Picache at Paulo Avelino.

Pagbibidahan naman ni Jodi ang Sana Dalawa Ang Puso Ko kung saan dalawang Jodi ang inyong mapapanood. Ang isa ay isang sosyal at sopistikadang Jodi habang ang isa naman ay tila tomboy na mahilig sa sabong.

Makakasama niya rito sina Robin Padilla at Richard Yap.

Ang ikatlong pasabog na teleserye ng ABS-CBN sa unang bahagi ng 2018 ay ang The Blood Sisters starring Erich Gonzales na gaganap na triplets na nagkahiwa-hiwalay noong bata pa lang sila.

Ang isa ay si Erika, isang dancer sa club na nasangkot sa kasong murder; ikalawa si Carrie, isang mayamang dalaga na aksidenteng nabaril matapos mapagkamalang si Erika.

Ang ikatlo naman ay si Agatha, isang babaeng nabubuhay sa matinding kahirapan na may itinatagong galit sa kanyang ina, na gagampanan naman ni Cherry Pie Picache. Ipinangako niya sa kanyang sarili na gagawin niya ang lahat para makatakas sa hirap kahit na pumatay siya ng kanyang kapamilya.

Makakasama rin sa The Blood Sisters sina Enchong Dee at Ejay Falcon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending