Scarlet Snow maraming pasabog sa 2018 | Bandera

Scarlet Snow maraming pasabog sa 2018

Reggee Bonoan |December 29,2017
facebook
share this

Scarlet Snow maraming pasabog sa 2018

Reggee Bonoan - December 29, 2017 - 12:10 AM

SCARLET SNOW

“Watch for Scarlet Snow Belo next year (2018), magugulat ka,” ang pahayag sa amin ng manager ni Derek Ramsay na si Jojie Dingcong nang makatsikahan namin sa press preview ng “All Of You” sa Directors Club Fashion Hall ng SM Megamall, Mandaluyong.

Nabanggit ng talent manager na si Scarlet ang bagong mina-manage niya at hindi na raw siya tumanggap pa ng iba dahil ayaw niya ng sakit ng ulo.

Oo nga, tanda namin na may binitawang talent si Jojie dahil araw-araw ay nai-stress siya dahil nu’ng sumikat na at siya mismo ang naka-discover ay napi-pressure siya ng co-management nito kaya ang ending iniwan na niya. Pero in good terms pa rin sila dahil nga halos sa kanya lumaki ang aktor at ipinagkatiwala ng magulang nito.

Going back to Scarlet, tuwang-tuwa si Jojie sa panganay nina Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho dahil napakatalino at bibo at ang daming kumukuha as bagets para sa endorsements. At dahil ito ang forte ni Jojie kaya sa kanya ipinagkatiwala ng mag-asawang celebrity doctor ang career ng kanilang anak.

Biro nga namin kung kikita ba siya sa pagma-manage kay Scarlet dahil super friends talaga sila ni Dra. Vicki, “Ay darling oo naman, I told Vicki na magkaiba naman ang friendship namin sa pagiging manager ko kay Scarlet. Paano ako kikita kung wala, e, ito ang bread and butter ko?

“Naku, matutuwa ka kay Scarlet, believe me, sobrang talino at grabe ang reasonings niya, mababaliw ka, ako nga nababaliw sa kanya!” kuwento ni Jojie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending