Maine nganga kung nganga habang nakatiwarik; sinulit ang bakasyon
ADBENTURERA talaga si Maine Mendoza. Nagpakita muli ng katapangan ang Dubsmash Queen nang sumakay sa isang roller coaster sa pinasyalang theme park.
Inilabas ni Meng sa kanyang Twitter ang pictures ng hitsura niya habang nakasakay sa ride.
“Added to my fav roller coasters list: Cheetah Hunt and Sheikra cuz both got me like…,” tweet ni Maine.
Eh, wala siyang pakialam kung magusot man ang kanyang mukha habang nakatiwarik sa ere with
Samantala, ang ka-loveteam naman niyang si Alden Richards ay nagsimula nang mag-imbita ng mga kababayan natin sa Sydney, Australia para sa gagawin niyang show sa Jan. 20, 2018 kasama si Betong Sumaya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.