Bagitong male personality nakarma sa kanegahan…nawalan agad ng career
PUNUMPUNO talaga ng kagimikan ang isang bagitong male personality. Palibhasa’y hindi na kinakagat ang kanyang mga gimik, iilan na lang ang naniniwala sa kanya, kaya patuloy ang kanyang pag-iingay para mapansin siya.
Sabi nga ng isang source, “Lahat na lang! Wala siyang kapaguran sa paggawa ng kung anu-ano para lang siya mapag-usapan! Wala na, tapos na ang panahon niya, nagising na ang publiko sa katotohanan na puro gimik lang ang alam niya!
Ang naging hagdan niya sa ingay ng kanyang pangalan ay ang paggamit sa pangalan ng mga sikat na artista. Una niyang naging biktima ang isang young actress na siniraan niya nang wagas na wagas, pero sorry na lang sa kanya, sa kapipintas niya ay saka naman umangat nang todo ang pangalan ng batang aktres.
“Kundi ba naman siya hunghang, totoong iingay ang name niya dahil malaking pangalan ng artista ang ginamit niya! Napili niyang biktimahin ang isang young actress na napakalaki ng support system, kaya inupakan siya nang husto sa social media.
Pero after nu’n, e, what’s next? Mamimintas na naman siya ng mga artistang sikat? Para lang siya mapag-usapan, kesehodang nega pa ang resulta, e, ganu’n na naman ang gagawin niya?
“Wala nang maniniwala pa sa kanya, hanggang ganyan na lang siya. Kunwari, e, nawawala siya, pero ang totoo, e, gumigimik lang naman siya, waley na siya sa mapa ng showbiz!” inis na kuwento naman ng isa pang impormante.
Isang araw ay bigla na lang siyang mawawala. Magkukumahog na naman ang kanyang mga alipores sa paghahanap sa kanya. Magmamakaawa ang kanyang mga katribu na lumitaw na siya.
“Mismo! Ganu’n ang gagawin niya. Magwawala-walaan na naman siya, magsusumamo naman ang mga kabagang niya na magpakita na siya, ganu’n lang naman palagi ang mga drama nila!
“Pero wala nang babalikan ang damuhong male personality na ‘yun, lantad na ang mga kagimikan niya, hanggang d’yan na lang siya! Finished contract!” napapailing na pagtatapos ng aming source.
Wala nang kailangang clue, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, kilalang-kilala n’yo kung sino ang damuhong gimikerong ito!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.