Sikat na young actress sinungaling, walang kupas ang pagiging ‘denial queen’
HANGGANG ngayon, kapag nababanggit sa umpukan ang pangalan ng isang young actress, ay napapangiwi na lang ang isang guwapong young actor.
Hindi kasi maganda ang naging karanasan niya sa magandang young actress, naging magkarelasyon sila, pero bigla siyang iniwan sa ere ng batang aktres.
Kuwento ng aming source, “Napakasakit naman talaga ng ginawa sa kanya ni ____ (pangalan ng magandang young actress), sweet na sweet sa kanya ang girl kapag sila lang, pero nu’ng mabuking ang relasyon nila, may-I-deny ang hitad?
“Natural, dahil siya ang lalaki, nirespeto na lang niya ang pagdedenay sa kanya ng girl, pero galit na galit siya, paano nga naman nagawa sa kanya ng girlfriend niya ang ganu’n?
“At ang the height, nu’ng kausapin ng mommy niya ang girl, grabe rin ang pagdedenay niya, wala raw silang relasyon ni ____ (pangalan ng young actor), ang lalaki lang daw ang nag-iilusyon na maging sila!
“Nawindang ang mommy ng guy, pati ba naman sa kanya, e, makakaya ng loob ng girl na magdenay, samantalang alam na alam niya ang lahat ng kuwento tungkol sa dalawa?
“Pinanindigan ng girl ang pagdedenay, nasira pati ang friendship nila ng young actor, ang sama-sama ng loob ng guy sa ginawa sa kanya ng girl!” mahabang kuwento ng aming impormante.
Heto na. Maraming miron ang nag-isip na dahil hindi naman pala sila naging magkarelasyon ay ipasosoli ng girl ang lahat ng mga iniregalo sa kanya ng young actor.
Balik-chika ng aming source, “Waley! Ni sa panaginip siguro niya, e, hindi naisip ng babaitang ‘yun na isoli ang mga iniregalo sa kanya ng guy na naging karelasyon niya, pero buong-ningning niyang idinenay!
“Bakit nga naman niya ipababalik ang mga stuff na ‘yun, e, puro branded? Mismo! May datung ang guy, kaya lahat ng makapagpapasaya sa GF niya, e, ibinibigay niya!
“May boyfriend na ngayon ang young actress, pero nakakatakot pa rin, baka one day, e, idenay rin niya ang young actor na karelasyon niya! Nakakaawa naman ang guy, baka kapag idinenay siya ng girl, e, hindi na siya maging good son!” pagtatapos ng aming impormante.
Naku naman, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, siguradong getlak n’yo na kung sinu-sino ang mga bumibida sa ating istorya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.