Robin bumibili na ng mga lote para pagtayuan ng mga bahay sa Marawi
DUMAGSA ang alok kay Robin Padilla para sa lupang pagtatayuan niya ng mga bahay para sa adbokasiya niyang Tindig Marawi. Pumasyal kamakailan ang Action King sa probinsya upang maghanap ng lote.
May video pa nga si Binoe ng mga nakitang lupa para makatulong sa mga naging biktima ng gulo sa probinsiya.
Isa sa nag-alok ang Al Abrar Institute para gamitin ang dalawang ektaryang lupa para sa housing program bilang donasyon. Saad nga lang ni Robin, “…Ang kapalit ay sasailalim ang Katipunan sa kanilang pamamahala.”
Nasilip din niya ang limang ektaryang lupa sa tabi ng Land Transportation Terminal. Ang alok ay P10,000 per square meter. “Lagpas sa budget ang lupa in all ways but still we are thankful for the offer made by these noble men. God is great!!!” caption niya.
Eh, ang maganda kay Binoe, tinag niya sa video ang mga taong nagbigay ng donasyon sa lakad niyang ito gaya nina Sharon Cuneta, Piolo Pascual, Bb. Joyce Bernal at iba pa. Kumbaga, alam ng mga donors niya kung saan mapupunta ang perang ibinigay nila.
Since day one kasi nu’ng ilabas ni Robin ang adbokasiya ng Tindig Marawi, bawat nagastos na pera ay inilalabas niya sa publiko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.