DINALAW ni Pangulong Gloria ang burol noong Huwebes sa General Santos City ng ilan sa mga mamamahayag na napatay sa Maguindanao massacre.
It took President Gloria 10 days to attend the wake of some of the victims of the massacre.
Ganoon kaya katagal ang reaksyon ni Gloria sa karumal-dumal na pangyayari?
Hindi naman kataka-taka kung nagbilang ng maraming araw bago dumalaw si Ate Glo sa mga biktima ng Maguindanao massacre.
Alam naman natin kung gaano kalapit si GMA sa mga Ampatuan na siyang utak sa kahindik-hindik na pagpatay ng 57 katao.
Alam din natin na may galit si GMA sa mga taga-media na palaging pumupuna sa kanya at sa kanyang mahal na esposo na si Mike Arroyo.
Ang mga Ampatuan ang nagbigay ng “zero votes” sa Maguindanao kay Fernando Poe Jr. noong 2004 presidential election.
Alam natin na si GMA ang nag-utos na bigyan ng maraming armas ang mga Ampatuan at mag-assign ng pulis at sundalo bilang security ng notorious na angkan.
Ito ay upang pagkilala ni Gloria ng utang na loob sa mga Ampatuan sa kanyang malaking pagkakapanalo sa Maguindanao laban kay FPJ.
Ang pagdalaw ni GMA sa mga burol ng mga mamamahayag ay dahil sa publicity. Kailangang ipakita ni Gloria sa sambayanan na siya’y marunong maghinagpis.
Pero sa maniwala ka’t sa hindi, ang luha na tumulo sa mga mata ni Gloria ay luha ng buwaya o crocodile tears.
Ibig sabihin, balatkayo lang ang kanyang pag-iyak.
Puwede nang manalo sa Famas Award si Ate Glo kung siya’y naging artista na gaya ng kanyang anak na si Mikey.
* * *
Nag-file ng petisyon sa Korte Suprema si Gov. Zaldy Ampatuan ng Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM) na kinukuwestiyon ang pag-utos ni Pangulong Gloria ng state of emergency sa Maguindanao.
Siyempre, moro-moro lang ang pagkuwestiyon ni Ampatuan at ang pagbigay ng order ni Gloria.
Di ba magkakampi ang mga Ampatuan at si Gloria?
Di ba sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Lorelei Fajardo na hindi kailan man tatalikuran ni Gloria sina Ampatuan kahit na nasasangkot sila sa karumal-dumal na krimen?
* * *
Anong klaseng mga pulis ang nandiyan sa Maguindanao?
Sa halip na pigilin ang pag-masaker ng inosenteng mamamayan ay sumama pa sa paggawa ng karumal-dumal na krimen?
Pinalitan na ni PNP Chief Jesus Verzosa ang lahat ng kapulisan sa Maguindanao.
Pero hindi na mababago ang masamang reputasyon ng PNP na lalong pang sinira dahil sa Maguindanao massacre.
Baguhin na natin ang motto ng PNP. Sa halip na “to serve and protect,” dapat ay “to rape and butcher.”
Bago pinatay ang mga babae ay hinalay muna ang mga ito.
Mon Tulfo, Target ni Tulfo
BANDERA, 120709
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.