1K pasahero pinababa matapos magkaaberya muli ang MRT-3
NAGKAABERYA muli ang operasyon ng Metro Rail Transit- (MRT-3) ngayong hapon matapos namang pababain ang tinatayang 1,000 pasahero ng isa sa mga tren nito na papuntang northbound dahil umano sa electrical failure.
Ganap na alas-12:23 ng tanghali nang pababain ang mga pasahero sa Shaw Station dahil sa hindi paggana ng motor ng tren, ayon sa abiso mula sa MRT=3.
Inilipat ang mga pasahero sa sumunod na tren.
Sinabi ng mga otoridad ng MRT na lumang mga bahagi ng electrical sub-component ang sanhi ng electrical glitch sa tren.
Nagpatuloy naman ang operasyon ng MRT kung saan 14 na tren ang bumibiyahe ganap na ala-1 ng hapon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending