Kilalang aktor nagsawa nang tumulong sa pasaway at walang kuwentang utol | Bandera

Kilalang aktor nagsawa nang tumulong sa pasaway at walang kuwentang utol

Cristy Fermin - December 21, 2017 - 12:15 AM


HINDI pala malapit sa isa’t isa ang magkadugong artista na tatawagin nating sina Actor A at Actor B.

Halos sabay silang pumasok sa pag-aartista, parehong nabigyan ng pagkakataong sumikat, hanggang ngayon ay aktibo pa rin sila.

Magkaiba kasi ang kanilang ugali, si Actor A ay happy go lucky, habang si Actor B naman ay palaging seryoso. Mas sinuwerte si Actor B dahil nabibigyan pa rin siya ng magagandang roles habang si Actor A naman ay masuwerte nang napapasama sa mga serye.

Kuwento ng aming source, “Masinop sa kabuhayan showcase niya si ____ (pangalan ni Actor B), bulagsak naman si Actor A. Mas maayos ang buhay ng mas nakatatandang male personality, alam niya kung saan niya ilalagay ang mga kinikita niya.

“Malaking-malaki ang difference nila dahil parang walang pakialam sa buhay si Actor A, arya lang siya nang arya, samantalang ang utol niya, e, seryoso sa buhay at mapagplano sa kinabukasan niya.

“Kaya ayun, kapag may nangyayari sa pamilya ni Actor A, kanino pa ba siya tatakbo para humingi ng tulong? Natural, kay Actor B! Kaso, dahil sa dalas ng paglapit niya, e, tinitikis siya kung minsan ng kapatid niya,” bitin na kuwento ng aming impormante.

Nagkaroon ng bisyo si Actor A, nagkahiwalay sila ng kanyang misis na artista rin, hindi naging maganda ang kuwento ng kanilang pagsasama.

“Concerned naman si Actor B sa utol niya, kaya lang, gusto niyang matuto ‘yung isa. Kasi naman, palagi na lang sa kanya umaasa, ayaw magpagod, kaya naiirita si Actor B sa kanya!

“Kaya hindi sila magkaayos ngayon, masama ang loob ni Actor A sa kapatid niya, tinitiis daw siya, samantalang nu’ng mga bagets pa sila, e, maluwag naman ang palad niya sa pagtulong sa utol niyang nangangailangan.

“Hindi talaga sila magkakasundo dahil maraming nababalitaan si Actor B tungkol sa mga pinaggagagawa ng kapatid niya. Sa age nga naman nila ngayon, dapat, e, iniisip na ni Actor A ang kinabukasan ng mga anak niya.

“Maayos na ang buhay ni Actor B, nakasandal siya sa pader. Basta, napakatibay na pader na ang sinasandalan niya! Hindi na siya maghihirap, promise!” pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, iilan lang ang pagpipilian n’yong magkakapatid na artista, kaya siguradong getlak n’yo na kung sinu-sino ang mga bumibida sa ating kuwento ngayon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending