Christmas ‘carmaggedon’ sa Dec. 22 ibinabala ng Waze | Bandera

Christmas ‘carmaggedon’ sa Dec. 22 ibinabala ng Waze

- December 20, 2017 - 06:22 PM

NAGBABALA ang traffic app na Waze na posibleng maranasan ang ‘carmaggedon’ sa Disyembre 22, Biyernes, ilang araw bago ang Pasko, kung saan magiging pinakamatindi ang trapik sa Metro Manila.

Idinagdag ng waze na magiging napakabagal ng trapiko kung saan wala nang galawan ang mga sasakyan sa mga kalye sa Disyembre 22.

Tinatayang 90 milyon ang gumagamit ng Waze sa buong mundo.

Gamit ang mga datos noong 2016, sinabi ng Waze na pinakama teribleng oras na magmaneho sa nalalabing araw ng Disyembre mula hapon hanggang alas-6 ng gabi.

Idinagdag ng Waze na dapat ding iwasan ng mga driver ang mga kalsada mula ala-1 ng hapon hanggang alas-3 ng hapon.

“Based on Filipinos’ average driving speed, it will take about 14 days to reach Santa’s house,” sabi ni Waze kung saan ang tinutukoy niya ay ang North Pole.

“In [Asia Pacific], [the] Philippines is 1,400 kilometers closer to the North Pole than Singapore, yet Filipino drivers take eight more days to get there. Globally, Italian drivers are among the fastest in the race to the North Pole (likely because everyone is driving Ferraris),” ayon pa kay Waze.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending