Positibo sa red tide ang mga shellfish sa Samar, Leyte, Surigao del Sur, Palawan, Masbate at Bataan. Sa inilabas na Shellfish Bulletin ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources kahapon, sinabi nito na positibo sa paralytic shellfish poison ang coastal water ng Daram island, Cambatutay, Irong-Irong, Maqueda at Villareal Bay sa Western Samar. Gayundin sa Matarinao Bay sa Eastern Samar; Carigara Bay sa Leyte; Lianga Bay sa Surigao del Sur; honda Bay sa Puerto Princesa City, Palawan; Mandaon sa Masbate. At coastal water ng Bataan— Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Orani, Abucay at Samal. “All types of shellfish and Acetes sp., or alamang gathered from the area shown above are NOT SAFE for human consumption,” saad ng advisory. Maaari naman umanong kainin ang isda, hipon, pusit, at alimago sa mga lugar na ito basta iluto mabuti at alisin ang bituka.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.