Vice: Lahat tayo'y biktima, pero hindi sagot ang suicide! | Bandera

Vice: Lahat tayo’y biktima, pero hindi sagot ang suicide!

Alex Brosas - December 19, 2017 - 12:15 AM


INAMIN ni Vice Ganda, star ng Metro Manila Film Festival Entry na “Gandarappiddo: The Revenger Squad” na muntik na siyang mag-suicide when he was 16.

Sa kanyang recent tweet in which he said “We are all victims of failures, bullying and heartbreaks. Suicide is never an answer. Just LOVE. Just LIVE,” ay marami ang na-inspire.

“Itong statement nya ay posibleng naka inspire sa marami nyang tagahanga.”

“Pero hindi siya mayaman dati normal lang ang buhay niya. Sabi niya he attempted before pero buti hindi siya natuluyan dahil hindi siya magiging Vice Ganda na kilala natin.

“Positive ang message kasi hindi nga natin alam kung anong mangyayari bukas, and possible na mas gaganda ang buhay mo. Usually ang victims ng ganyan mga teens or young adults. ang dami pang pwede mangyari wag mawalan ng pag asa.”

“Hindi niya sinasabi na madali may nabasa ako na naging weak din siya dahil sa heartbreak. Tibayan ng loob ang iba, anong masama sa appreciating life.

“Kung isipin mo ang pamilya mo kung gaano sila lulungkot yun ay dahil mahal ka nila. Ang dami pwedeng matupad at mangyari, madami pa makikilala kaya wag sumuko.”

‘Yan ang say ng fans ni Vice.

Speaking of the Unkabogable Star, talagang punung-puno ang lahat ng venue na pinagdausan ng kanyang “Gandarappiddo: The Revenger Squad” promo. Ang daming tao sa Megamall, Glorietta at SM North EDSA noong nag-tour sila.

q q q

Say ng aming neighbour na nakapanood nang libre sa Christmas special ng ABS-CBN sa Araneta Coliseum ay sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na bida ng La Luna Sangre ang pinakatinilian among the loveteams that were featured.

Halos mabingi nga raw ang female neighbour namin nang mag-perform na sina Daniel at Kathryn.

Talagang nakabibingi raw ang tili ng fans, dumadagundong daw ang buong Araneta dahil sa lakag ng sigawan ng KathNiel supporters.

Mas lalo pa sigurong kinilig ang fans dahil sa episode ng La Luna Sangre last Friday kung saan sinabi ni Malia (Kathryn) kay Tristan (Daniel) na hindi niya ito hahayaang maging bambira.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa paghaharap kasing muli nina Tristan at Sandrino (Richard Gutierrez) ay sinabi ng huli na hindi siya sasanib sa grupo nito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending