Mega may wish bago mag-retire sa showbiz, may konek kay Binoe
WALANG balak si Megastar Sharon Cuneta na mag-stay forever sa mundo ng showbiz. At meron siyang ipinagdarasal sa Diyos bago siya mag-retire bilang aktres.
Abot-langit ang pasasalamat ni Mega sa suportong ibinigay muli sa kanya ng madlang pipol matapos kumita sa takilya ang reunion movie nila ng kanyang favorite leading man na si Robin Padilla. Aminado ang singer-actress na matinding nerbyos ang naramdaman niya bago ipalabas ang “Unexpectedly Yours”.
“Ako medyo ninenerbiyos ako. I was expecting na may nagmamahal pa sa akin pero hindi ko alam kung gaano pa karami. At saka dinasal ko na lang tapos nagulat talaga kami. Such a wonderful surprise for a year ender for me especially. Si Robin sanay siya sa maraming success after success ako ang tagal na walang success. Ha-hahaha! Ngayon lang talaga sobrang nagpapasalamat ako,” sey ni Sharon.
Hirit pa niya, “My favorite movies are always the ones I did with Robin. So, sana kung mag-re-retire ako sana ibigay sa akin ni Lord yung last movie ko sana siya kasama ko. I pray there will be another movie, hopefully with Robin again.
“I’d like to do many more movies in the few years that I intend to stay in the business. I don’t intend to stay here forever,” pagtatapos ni Sharon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.