Horoscope, December 16, 2017 | Bandera

Horoscope, December 16, 2017

Madam Sophia - December 16, 2017 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Hindi mo dapat iisiping tumatanda ka na, sa halip, dahil may asim ka pa, magugulat ka, may bagong pag-ibig na darating. Sa pinansyal, wag mong alalahanin ang unti-unting pagkaubos ng pera dahil sa mga pang-regalong bibilhin mo ngayong kapaskuhan para sa mga mahal mo sa buhay. Umasa kang ibabalik ang lahat ng nagatos mo ng langit ng doble-doble pa. Mapalad ang 3, 15, 24, 34, 40 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Visnu-Veda-Om.” Red at blue ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Ipilit ng ipilit ang gusto upang kumita ng malaking halaga! Sa pag-ibig, hindi magiging maligaya kung laging pinaiiral ang hina ng loob. Kapag malakas ang loob, mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ang darating. Mapalad ang 3, 9, 18, 36, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Sa taong buo ang loob ang yaman ay lubos!” Red at lilac ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Mag-ingat sa mga kaibigang nagbabait-baitan, mauutangan ka na naman! Isa alang-alang ang ganitong katanungan: “Bakit ko sila pauutangin kung alam mo namang hindi sila marunong mabayad?” Sa pag-ibig, may suwerteng hatid ang kasuyong Scorpio. Mapalad ang 3, 9, 27, 33, 47 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Deva-Om.” Maroon at violet ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Ituring mong: “ito na ang huling araw!” Kapag ganyan ang laging laman ng isipan, mas madali kang uunlad at yayaman. Sa pag-ibig, dahil ito na ang huling araw, ipadama sa kasuyo ang pinaka-masarap na romansa. Mapalad ang 5, 14, 23, 34, 39 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jiva-Gosvami-Om.” Blue at silver ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Panahon na upang mag-established ng sariling negosyo, isa alang-alang ang mga produktong pampasko. Sa pag-ibig, tulungan ang kasuyo sa aspetong pang-materyal upang mas madali kayong yumaman. Mapalad ang 6, 9, 15, 24, 39 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dheemari-Gayatri-Om.” Maroon at pink ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Bilis ang dapat! Sunggab agad ang dapat kapag may nagpaagaw ng pera sa Christmas Party. Sa pag-ibig, mabilis na dahan-dahan ang susi upang makamit ang ganap na ligaya. Mapalad ang 5, 10, 23, 32, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Savitri-Dosya-Om.” Lilac at gold ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Kung hindi palalaguin ang salapi paano ka yayaman? Panahon na upang magtipid at lahat ng perang iyong matitipid, isipin mo kung paano lalago at dadami. Sa pag-ibig, tuloy ang masayang pakikipag-relayson sa isang Libra. Mapalad ang 2, 9, 18, 27, 26, at 48. Mahiwaga mong mantra: “It’s now or never.” Purple at blue ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Isang kasamahan ang tatangap ng malaking halaga – maaangihan ka nya! Sa pag-ibig, sabihin sa kasuyong; “Magtipid-tipid naman upang umunlad ang ating buhay!” Mapalad ang 1, 19, 28, 33, 37 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nahmeh-Om.” Orange at black ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Paghandaan ang nalalapit na kapaskuhan, pero dapat iwasang magtapon ng pera sa mga walang kabuluhang bagay. Sa pag-ibig, ngayon pa lang iplano nyo na ng iyong pamilya kung paano nyo ise-celebrate ang Christmas. Mapalad ang 6, 15, 21, 32, 46 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Brahma-Namah-Om.” Pink at purple ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Wag kainggitan ang mga kaibigang umuunlad. Kung aalisin lang ang yabang sa katawan, mas madali kang yayaman. Sa pag-ibig, minsan hindi masamang sundin ang suwestyong ng kasuyong kuripot. Mapalad ang 2, 16, 37, 44, 47 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Bhavantu-Madhu-Om.” Beige at maroon ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Ilihim mo lang ang malalaking halaga ng salapi na mahahawakan upang hindi agad maubos. Sa pag-ibig, may mga nagnanasa sa iyong kagandahan, ngunit isang naka-berde, ang magbibigay ng kakaibang ligaya. Mapalad ang 5, 16, 23, 31, 41, at 39. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Bukod sa berde mapalad ang pink.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Matamlay ka ngayon, kasi papalapit na ang pasko samantalang zero pa rin ang love life. Para magka-roon ng kasuyo buuin ang Simbang Gabi. Sa pinansyal, red ang kulay na hihigop ng positibong kapalaran may kaugnayan pera. Mapalad ang 2, 7, 16, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ca-Da-Bra.” Bukod sa green at buenas din ang yellow.
Pisces – (February 19 – March 20) — Sa halip na isip ang paganahin, kumilos ka agad ng kumilos. Kapag kilos ka ng kilos, ang suwerte at magandang kapalaran ay dating ng dating. Sa pag-ibig, walang “ideal love” kaya itigil mo na ang pagpapatansya ng isang masaya at panghabang buhay na relasyon. Mapalad ang 4, 19, 28, 34, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” White at blue ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending