Bukas ng umaga inaasahang magla-landfall ang bagyong Urduja sa Eastern Samar.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration magdadala ng malakas na pag-ulan ang bagyo sa loob ng 400 kilometro mula sa mata ng bagyo.
“Scattered to widespread rains is expected over Visayas and the regions of Bicol, Caraga and Northern Mindanao within 24 hours. Residents in these areas are alerted against possible flashfloods and landslides.”
Kahapon ng umaga, ang sentro ng bagyo ay 120 kilometro sa silangan ng Guiuan, Eastern Samar.
May hangin ito na umaabot sa 60 kilometro bawat oras ang bilis malapit sa gitna at pabugsong 80 kilometro bawat oras.
Umuusad ito sa bilis na pitong kilometro bawat oras pakanluran.
Ngayong umaga ito ay nasa Quinapondan, Eastern Samar at sa Sabado sa Dimasalang, Masbate.
Itinaas ng PAGASA ang signal no. 1 sa Catanduanes, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Masbate, Romblon, Eastern Samar, Northern Samar, Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, hilagang bahagi ng Cebu kasama ang Bantayan Island, Capiz, Aklan at hilagang bahagi ng Iloilo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.