14,000 pulis naturukan ng Dengvaxia | Bandera

14,000 pulis naturukan ng Dengvaxia

John Roson - December 14, 2017 - 06:41 PM
Inutos ni National Police chief Dir. Gen. Ronald dela Rosa ang pag-monitor sa 14,000 pulis na naturukan ng kontrobersyal na Dengvaxia anti-dengue vaccine. Nabakunahan ng Dengvaxia ang unang batch ng mga pulis noong Setyembre habang ang ikalawang batch ay naturukan noon lamang Nob. 21, sabi ni Chief Supt. Edward Carranza, direktor ng PNP Health Service. Ang mga naturang pulis ay nakadestino sa iba-ibang bahagi ng bansa, kabilang na sa Camp Crame, aniya pa. Ang ikalawang batch ay binigyan ng Dengvaxia noong anibersaryo ng Health Service, na ginanap walong araw bago inanunsyo ng French pharmaceutical firm Sanofi Pasteur na may problema sa anti-dengue vaccine. “To those unfortunately vaccinated by this, I am giving instruction to Dr. Carranza, director of Health Service, to monitor everything,” ani Dela Rosa. “That is 14,000. Kawawa naman kung may mangyari sa kanila,” aniya pa. Ayon kay Carranza, sa ngayon ay wala pa silang namo-monitor na masamang epekto ng bakuna, maging sa unang batch ng mga tinurukang pulis. Sa kabila nito aniya’y nagtayo na ang Health Service ng help desk para sa sinumang nabakunahang pulis na nais sumangguni. “If they notice some symptoms, they would be advised to go to any government hospital, including the PNP General Hospital,” ani Carranza. Nakipag-ugnayan na ang Health Service sa ilan sa mga nabakunahang pulis, at sa mga tauhan ng Philippine Children Medical Center kung saan nanggaling ang bakuna. Noong Nob. 29, inanunsyo ng Sanofi na nagbibigay ang Dengvaxia ng benepisyo sa mga nadapuan na ng dengue, pero pinangangambahang magkakaroon ng masamang epekto sa mga taong di pa infected bago mabakunahan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending