Pia walang arte sa pagsusuot ng sexy costume: Two-piece pero hindi bastusin! | Bandera

Pia walang arte sa pagsusuot ng sexy costume: Two-piece pero hindi bastusin!

Ambet Nabus - December 13, 2017 - 12:01 AM


KITANG-KITA kay Pia Wurtzbach ang pagkakaroon ng disiplina sa oras. Kahit kasi sa Sta. Rosa, Laguna ginanap ang grand presscon ng “Gandarrapido: Revenger Squad” ay on time pa rin siyang dumating.

Sa Enchanted Kingdom isinagawa ang media launch ng nasabing pelikula kung saan bida rin sina Vice Ganda at Daniel Padilla. Isa ito sa MMFF 2017 entry na mapapanood sa Dec. 25.

Excited na hinarap ni Pia kasama sina Vice, Daniel at iba pang members ng cast ang media at masaya nitong ibinahagi ang mga karanasan niya sa paggawa ng kanilang pelikula.

Introducing si Pia rito dahil kahit nakalabas na siya sa ibang movies, ito nga ang unang beses na kasama siya sa title at isa sa mga bida.

“Yung ibang nagawa kong movie, dekorasyon lang talaga ako. Dito, proud ako na isa ako sa title role,” sey ng maganda at seksing dalaga.

Kinailangan pa nga niyang maging Miss Universe para magkaroon ng bonggang movie kaya naman pinagbuti niya nang husto ang kanyang trabaho at never din daw siyang nag-inarte sa shooting.

“Ako ang gumawa ng stunts ko. Naranasan ko yung isinabit sa ere na may harness at tuma-tumbling-tumbling. Medyo nahirapan lang talaga ako du’n sa sampalan namin ni Vice kasi noong una talaga, hindi ko kayang gawin,” sey pa nito.

Napakaseksi ng costume ni Pia sa movie at never naman daw nagkaroon ng wardrobe malfunction sa shooting dahil bukod sa todo-todo ang pag-alalay sa kanya ni Vice, “Grabe ang pag-iingat namin sa mga eksena na naka-costume ako. At saka yung production, nagbabantay din talaga.”

“Siniguro din po namin na kahit super sexy ang costume, papasa pa rin sa mga bata at magugustuhan nila. Two-piece pero hindi bastusin. Kung nagawa kong rumampa sa harap ng milyon-milyong tao na naka-two piece lang, dito pa ba ako kakabahan?” hirit pa ni Pia.

q q q

Pambalanse raw sa kabaklaan ng movie nina Vice kung kaya’t tinanggap ni Daniel Padilla ang proyekto.
“Gusto ro din po kasing maramdaman ng tao yung kakaiba naming samahan ni Vice. Kung off cam po ay sobra-sobra ang aming bonding, harutan at saya, sure po ako na makikita ninyo lahat iyan dito sa filmfest movie namin,” sey pa ni DJ.

Kahit hindi niya kasama ang kanyang rumored girlfriend na si Kathryn Bernardo sa pelikula ay hindi naman daw niya na-miss nang bonggang-bongga ang dalaga dahil halos araw-araw din silang nagte-taping para sa La Luna Sangre.

“Actually, yun ngang movie ang naging breather ko sa mahihirap at madudugong eksena namin sa La Luna. At dahil araw-araw kong nakakasama si Kath, hindi ko napansin na wala siya rito sa movie. But don’t worry po dahil may cameo appearance siya rito,” pagbandera pa ni Daniel.

Although late na dumating si Daniel among the cast members ng “Revengers”, marespeto pa rin itong nagbigay-pugay sa members ng media at never na ginamit ang “traffic” as excuse.

“Talaga lang po na dikit-dikit ang iskedyul at kahit malayo itong Laguna, nagpasabi po akong darating para makita at makausap kayo. Salamat po sa paghihintay,” dagdag pa ni Daniel.

q q q

Well, ganyan siguro ang dapat na naging attitude ni Jane Oineza nang ma-late siya sa presscon ng “Haunted Forest” na ginanap sa Valencia Compound ng Regal Films.

Kumpara kina Pia at Daniel na mas hamak namang may napatunayan na sa industriya and yet, sobra silang naging marespeto sa oras ng marami, mukhang nanega pa ang pagsagot ni Jane na 5 p.m. ang call time na ibinigay sa kanya (instead of the 4 p.m.) para sa presscon ng entry nila sa MMFF 2017.

Imbes kasing ipinaramdam ni Jane ang kanyang sincere apologies eh, mukhang yabang pa ang ipinairal niya nang humarap sa presscon.

Ayaw naming isiping gimik niya ito para siya’y pag-usapan dahil kung ikukumpara sa naging pagharap nina Pia at Daniel, napakadaling sabihin kung sino ang walang karapatan na umarte ng hindi tama.

Kawawa naman tuloy ang co-stars niya sa movie gaya nina Jameson Blake, Maris Racal at Jon Lucas na kung tutusin ay kahilera ni Jane ang estado sa showbiz.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Naku, kung hindi marahil super love ng press sina Mother Lily Monteverde at Roselle Monteverde Teo na siyang producer ng “Haunted Forest” na nag-iisang horror entry sa MMFF, may kalalagyan itong si Jane Oineza.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending