Vice: Uulitin ko, hindi kami magkaaway ni Coco! | Bandera

Vice: Uulitin ko, hindi kami magkaaway ni Coco!

Reggee Bonoan - December 13, 2017 - 12:05 AM


SA Enchanted Kingdom ginanap ang grand presscon ng “The Revenger Squad” kasabay ng whole day charity event ng Star Cinema kung saan dinala nila ang 50 kids mula sa Hope for Change Foundation na sinusuportahan ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach.

Isa si Pia sa mga bida ng pelikula na entry ng Star Cinema at Viva Films sa MMFF 2017.
Nagkaroon ng mini show ang cast ng “Gandarrapiddo The Revenger Squad” para sa mga bagets.

Kumanta si Loisa Andalio, nagpa-games si Pia at nag-perform din sina Daniel Padilla at Vice Ganda. Sumayaw naman ang dalawang bagets na sina JJ Quilantang (batang Tristan sa La Luna Sangre) at Carlo Mendoza (gigil tandem ni Vice sa GGV).

Anyway, sa grand presscon ng pelikula nina Vice, Pia at Daniel mula sa direksyon ni Bb. Joyce Bernal ay natanong ang Phenomenal Box-Office Star kung totoo bang may away sila ng matalik niyang kaibigang si Coco Martin.

Kalat na kasi ang balitang nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan dahil nagpaalam si Coco na siya muna ang gagawa ng pelikula ngayong MMFF pero hindi pumayag si Vice na umurong dahil katwiran niya isang beses lang naman siya gumawa ng pelikula sa isang taon.

Nagkasama sa pelikulang “Super Parental Guardians” sina Vice at Coco na ipinalabas bago ang 2016 MMFF dahil hindi ito pumasa sa panlasa ng mga hurado pero kumita pa rin ito ng P700 million.

At dahil super successful ang tambalang Vice at Coco ay inaasahang muli silang magsasama ngayong 2017 MMFF, pero nagsolo-solo muna sila this year. Si Coco ang bibida sa entry na “Ang Panday”, siya rin ang producer at direktor nito.

Ang sagot ni Vice sa iringan nila ni Coco, “Hindi po kami magkaaway at saka matagal na naming sinagot, paulit-ulit lang talaga kayo ng tinatanong at gusto n’yo talagang marinig sa amin na magkaaway kami.

“Sinagot ko na ‘yan dati at sinagot na rin ni Coco na hindi kami magkaaway. ‘Yung trilogy, hindi nangyari, pero hindi nangangahulugang hindi na mangyayari dahil mahaba pa ang tatakbuhin ng career ni Coco and hopefully ako rin naman.

“Sabi ko nga dati at uulitin ko ulit, mga bata pa kami ni Coco at wala pa kami parehong pera ay gusto na naming mangyari ito at ngayong nangyayari ito sa aming dalawa ay masayang-masaya kami,” aniya pa.

q q q

Unang pagkakataon na gaganap na superhero si Vice sa pelikula kaya natanong kung kaninong idea ito, “Matagal nang pinlano ‘yung superhero, actually right after ng unang ‘Praybeyt Benjamin’ ang kasunod dapat superhero na.

“Kasi nagkaroon ako ng unang record na highest grossing Filipino Film kaya sabi ni Direk Wenn (Deramas-SLN), ‘anong susunod kung ganu’n na ang record na na-set mo? Kailangan superhero na ‘yung susunod mong character.’

“So naisip nila ‘yung parang ‘Darna Kuno’ (ni Dolphy) tapos nu’ng nakausap na ng management, ang gusto ng mga Ravelo, gawin muna ‘yung Darna (movie) bago gawin ‘yung Darna Kuno.

“So, we waited na mangyari ‘yung Darna, e, ang tagal nainip na ako, gumawa na lang kami ng sarili naming karakter kaya nagkaroon ng Gandarrapido, so sana, magustuhan n’yong lahat,” paliwanag ng TV host.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasama rin sa “Gandarrapiddo: The Revenger Squad” sina Karla Estrada, Ejay Falcon, Lassy, MC, Wacky Kiray at RK Bagatsing. Mapapanood na ito simula Dis. 25.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending