Isang low pressure area ang binabantayan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration sa loob ng Philippine Area of Responsibility. Ayon sa PAGASA kung magiging bagyo ay tatawagin itong Urduha, ang unang bagyo ngayong buwan. Kahapon ng umaga ang LPA ay nasa layong 450 kilometro sa silangan ng Surigao City. Ngayong buwan ay isa hanggang dalawang bagyo ang inaasahan ng PAGASA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending