Sharon, Kris inokray ng mga bashers: Ang tatanda n'yo na para magpabebe! | Bandera

Sharon, Kris inokray ng mga bashers: Ang tatanda n’yo na para magpabebe!

Cristy Fermin |December 10,2017
facebook
share this

Sharon, Kris inokray ng mga bashers: Ang tatanda n’yo na para magpabebe!

Cristy Fermin - December 10, 2017 - 12:25 AM

SHARON CUNETA AT KRIS AQUINO

GANU’N nga siguro ang mga taong nagtapos sa mga eskuwelahang nakalaan lang para sa mga bukod na pinagpala. Paglabas nila sa bakuran ng kanilang pinapasukan ay bitbit nila ang pagiging pabebe.

At hindi lang basta pabebe, kadalasan ay OA pa kung ilarawan sila ng mga nakamasid sa kanilang mga sinasabi at ikinikilos, ang madalas na maging target ng mga ganu’ng pagpuna ay sina Kris Aquino at Sharon Cuneta.

Isang hapon na napaaga kami ng dating sa TV5 para sa aming pang-araw-araw na programa sa radyo (92.3 New FM, AKSYON TV-41) ay isang staff namin ang tawa nang tawa habang nakaharap sa computer.

“Nay, naaaliw lang ako sa mga comments tungkol kina Kris at Sharon. May nagsabi kasi na dapat daw, e, pagtaliin ang dalawang ito dahil sa sobrang pagiging OA! Pabebe raw kasi sila, hindi na raw bagay sa age nila ang mga pinaggagagawa nila,” sabi ng aming staff.

Nakisilip na rin tuloy kami sa mga binabasa ng aming staff. Totoo nga, bina-bash sina Kris at Sharon, pinakakain sila ng ampalaya.

Inuupakan si Kris dahil sa biglaan niyang pag-amin na tagasuporta na rin siya ngayon ng Korean Boy Band na BTS. Nagpapakamilenyal daw si Kris, hindi na raw siya nahiya, samantalang lampas-lampasan na siya sa edad para kilig-kiligin sa banyagang grupo.

Si Sharon naman ay binibira dahil sa panayam sa Megastar tungkol kina Joshua Garcia at Julia Barretto na kasama nila ni Robin Padilla sa matagumpay nilang pelikula.

Sabi ng isang nagkomento, “Nakakaloka si Sharon, napaka-OA! Kinikilig pa siya nang lagay na ‘yan, samantalang nagwawagwagan na ang mga taba niya sa katawan!

“Ang OA-OA niya, hindi na bagay sa age niya ngayon ang magpabebe! Mahiya naman siya sa mga anak niya!” basag na basag si Sharon.

Hay, naku, mema lang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending