2017 MMFF entry 'Ang Larawan' pinuri ng press: Uwian na, may nanalo na! | Bandera

2017 MMFF entry ‘Ang Larawan’ pinuri ng press: Uwian na, may nanalo na!

Reggee Bonoan - December 10, 2017 - 12:35 AM

 

HINAYANG  na hinayang kami dahil hindi namin napanood sa ginanap na press preview at celebrity screening ang 2017 MMFF entry na “Ang Larawan”.

Ito’y mula sa libretto ng National Artist for Theater na si Rolando Tinio at sa direksyon ni Loy Arcenas.

Iisa ang komento ng mga katotong nakapanood sa musical-drama, “Uwian na! May nanalo na!” Na ang tinutukoy nga ay ang kalidad ng pelikula at husay ng mga artistang nagsipagganap. Hindi raw imposibleng makuha ng “Larawan” ang lahat ng major awards na ipamimigay sa gabi ng parangal kabilang na ang Best Actress at Best Actor.

Tiyak daw na lalaban sa pagka-best actor si Paulo Avelino para sa “Ang Larawan” at bibigyan din daw ng magandang laban sa pagka-best actress nina Joanna Ampil at Rachel Alejandro ang iba pang nominado sa MMFF awards night.

Kasama rin sa cast sina Nonie Buencamino, Robert Arevalo, Menchu Lauchengco-Yulo, Aicelle Santos, Cris Villongco, Dulce, Nanette Inventor, Bernardo Bernardo, Rayver Cruz, Sandino Martin, Jaime Fabregas, Noel Trinidad, Cara Manglapus, Jojit Lorenzo, Leo Rialp, Ogie Alcasid at Zsa Zsa Padilla.

Kaya pala malakas ang loob ng producers ng “Ang Larawan” na ipakita agad ito sa entertainment media dahil talagang may ipagmamalaki talaga ito.

Pero aminado rin ang ilang nakausap namin na medyo imposibleng mag-number one ito sa box-office dahil hindi raw ito ang unang panonoorin ng mga bata na mas gusto ng comedy, romcom o horror.

Sabagay, kahit naman ang members ng cast ng “Ang Larawan” ay hindi umaasang sila ang magiging top grosser sa filmfest, ang tangng kahilingan nila sa mga Pinoy ay bigyan ng chance ang kanilang entry dahil bibihira lang daw magkaroon ng ganito kagandang musical drama sa MMFF.

Nabanggit din ni Rachel na answered prayer na napasama sila sa MMFF.

“Magandang Christmas gift sa amin, pero dahil first time naming magpu-produce, nanganganay kaming lahat. Masayang-mahirap, kailangan naming mag-double time sa pagpu-promote. May mga nang-iintriga nga na hindi raw kami pam-filmfest, pero kami lang ang musical entry at gusto rin naming malaman ang reaksiyon ng mga tao na manonood.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Nakita na namin ang reaksiyon ng mga nanood sa Japan at sa San Francisco na mga Pinoy doon. Marami sa kanila ang umiyak habang nanonood kaya parang kumpiyansa kami na magugustuhan din nila (moviegoers) ang movie. Kaya hinihingi namin ang inyong suporta simula sa December 25, at hindi namin kayo bibiguin. Maraming salamat po,” pahayag ni Rachel.

Bukod kay Rachel ang iba pang co-producer ng pelikula ay sina Celeste Legaspi, Girlie Rodis, ang Culturtain Musical Productions at Heaven’s Best Productions ng magkakapatid na Mayor Herbert, Harlene at Hero Bautista.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending