Ibang pelikula sa MMFF tinanggal na sa sinehan para ibalik ang ‘Larawan’
KUNG hindi pa siguro humakot ng award ang pelikulang “Ang Larawan” sa nakaraang 2017 MMFF Gabi ng Parangal ay baka hindi na ito naibalik sa mga sinehan sa Metro Manila matapos ma-pullout noong ikalawang araw ng festival.
Nakuha ng pelikula ang Best Picture, Best Actress (Joanna Ampil), Best Production Design, Best Musical Score at Gatpuno Antonio J. Villegas Cultural Award.
Kasama ang “Larawan” sa unang araw ng festival noong Dec. 25 sa Robinson’s Magnolia pero sa ikalawang araw ay tinanggal na ito at ibinigay bilang dagdag na sinehan sa “Gandarrapiddo: The Revenger Squad” ni Vice Ganda.
Kahapon, matapos ngang manalo ng mga tropeo sa nakaraang awards night, ibinalik ang pelikula nina Joanna Ampil, Rachel Alejandro at Paulo Avelino sa Robinson’s Magnolia pero may isa namang entry ang tinanggal.
Ang dami-daming nagpo-promote ng “Ang Larawan” sa social media pero ang nakakairita may mga nag-e-emote pa na bakit hindi raw ito suportahan ng manonood kung gusto natin ng quality movie, bakit mas gusto pa raw panoorin ng mga tao ang mga “kababawang” entry.
May kanya-kanyang punto naman ang mga nagre-react, pero sana maisip din nila na hindi nila mapipilit ang mga tao na manood ng pelikulang hindi nila gusto dahil pera naman nila ang kanilang ginagastos.
Tama naman ang sinabi ng kilalang blogger na si Rod Magaru, “Finished 7 out 8 #MMFF2017 entries.
Here are my takeaways for the experience, #LARAWAN is the only worthy of standing ovation YET, the rest are all entertaining to watch.
“Producers/Festival committee must understand that the target audience of a holiday lockout are kids and families; We cannot be righteous about quality over commercial appeal because on a December timeline (and from the majority of Pinoy audience), the latter will always win.
“As an audience, what do we really want to experience inside the cinema? Two things: First, let’s give quality movie a chance, and (2) enjoy movies that will make your heart & soul smile. Overall, I am forever a fan of MMFF. Mahal ko ang mga taga pelikula.”
Plano namin talagang panoorin ang “Larawan” bossing Ervin inuna lang muna namin ang mga pambata dahil mga bagets ang kasama naming nanood nitong mga nakaraang araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.