Piolo ninong ng lahat ng anak ni Yul Servo; hindi nagpapaapekto sa malilisyosong tsismis | Bandera

Piolo ninong ng lahat ng anak ni Yul Servo; hindi nagpapaapekto sa malilisyosong tsismis

Ervin Santiago - December 07, 2017 - 12:20 AM


NAPANATILI pa rin nina Manila Cong. Yul Servo at Piolo Pascual ang kanilang pagkakaibigan sa kabila ng mga malilisyosong tsismis noon tungkol sa espesyal nilang relasyon.

Ayon sa kongresista, natutunan na lang nila ni PJ na dedmahin ang mga intriga sa kanila at hindi nila talaga hinayaang maapektuhan ng mga tsismis ang kanilang pagkakaibigan.

“Hindi na, okay na sa akin. Wala na, wala na sa akin. Kahit noon pa, hindi naman siya affected. Ako pa nga ang medyo naaapektuhan dati. Pero sa kanya, wala talaga,” ang sabi ni Yul kamakalawa nang makachikahan ng ilang members ng entertainment media sa pa-Christmas party at thaksgiving ng talent management ng kanyang mentor-manager na si direk Maryo J delos Reyes, ang Production 56.

Ipinagdarasal daw niya na sana’y matagpuan na rin ni Piolo ang babaeng para sa kanya, “Pero wala pa raw siyang maano, e…wala pa yung right girl. Pero okay din naman na single, walang asawa, walang responsibilidad. Marami lang chicks!” biro pa ni Cong. Yul.

Para kay Yul, isang mabuting tao si PJ kaya patuloy itong inuulan ng blessing, “Kaya lahat ng anak ko, ninong siya, e! Ngayon, kukunin ko siya ulit na ninong.”

Sa katunayan, isa rin si Piolo sa mga nahihingan niya ng tulong para sa mga proyekto nila sa 3rd District ng Maynila. Kamakailan lang ay nag-donate si Piolo ng libu-libong grocery bags sa kanyang mga constituents.

“Malaking bagay din po, hindi naman kaya ng gobyerno, biro mo nagbigay siya ng 5,000 na goods,” aniya pa.

Hindi rin daw nagdamot si PJ ng tulong noong tumakbo siya sa Maynila, “Sinuportahan niya ako nu’ng unang takbo ko, nu’ng 2007, as konsehal. Tapos, the rest, hindi na ako humingi ng tulong.

“Tapos, itong unang term ko, humingi ulit ako ng tulong sa kanya, as congressman na,” anang kongresista.

Nang matanong kung wala bang planong pumasok sa politika si Piolo, “Actually dati, siya yung mas unang ano e, parang siya yung inaano, sa Pasig. Sa pagkakaalam ko, siya yung unang sinabihan na pinapatakbo siya. Ayaw niya, e. Mas gusto niyang mag-artista. Parang hindi pa siya ano. Tapos ako yung nakapasok.”

Samantala, ipinagmamalaki naman ni direk Maryo J delos Reyes ang tagumpay na naaboty ni Yul sa larangan ng pag-arte at pagiging public servant. Proud siya sa aktor-politician dahil napapanatili nitong malinis at respetado ang kanyang pangalan sa magulong mundo ng politika.

Isa lang daw ang hiling ni direk sa kanyang talent nang pasukin nito ang pagiging public servant, “Wag na wag siyang mangungurakot!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod kay Yul, kabilang din sa mga talent ni direk Maryo sa Productions 56 sina Ruru Madrid, Nash Aguas, Migs Cuaderno, Barbara Miguel, martial arts champion and actor Xyruz Cruz, Mr. Gay World 2017 John Raspado, singer-model-actor Orlando Sol at ang Masculados.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending