Kilalang male celebrity sukdulan ang kaplastikan, niloloko lang ang publiko | Bandera

Kilalang male celebrity sukdulan ang kaplastikan, niloloko lang ang publiko

Cristy Fermin |December 05,2017
facebook
share this

Kilalang male celebrity sukdulan ang kaplastikan, niloloko lang ang publiko

Cristy Fermin - December 05, 2017 - 12:15 AM


PROFESSIONAL player ang tawag ng marami sa isang kilalang male personality. Pero isang paglilinaw lang, hindi siya naglalaro ng kahit anong sport, magaling siyang makipaglaro sa publiko.

Magaling siyang makipaglaro para lang mapaniwala niya ang publiko na magkarelasyon nga sila ng isang aktres. Kailangan niyang maging totoo ang kanyang mga sinasabi kaya kapag may mga press people na sa paligid ay napakahusay niyang magpanggap.

Kuwento ng aming source, “Very professional talaga si ____ (pangalan ng kilalang aktor)! Kapag may mga nakakakita sa kanila ng girl, e, todo-todo ang paglalambingan nila, pero kapag wala na, waley na rin sila!

“Ang pagkakamali lang niya, e, mabilis siyang bumitiw sa ginagawa niya. May sariling sasakyan ang isang miron na nakakita kung paano niya lambingin ang girl nu’ng nandu’n ang mga press people.

“Ang akala niya siguro, e, nag-alisan na ang lahat sa location, wala siyang kaalam-alam na meron pang mga nandu’n, nagbago lang sila ng puwesto ng parking para patunayan sa kanilang mga sarili kung totoo bang gumigimik lang ang male personality.

“At totoo nga! Ni hindi man lang niya pinapansin ang girl nu’ng wala nang mga reporters, deadma na siya, wala siyang pakialam sa girl na sinasabi niyang girlfriend kuno niya!

“Naloka ang mga miron, trulili ngang mapagpanggap lang ang lalaking ‘yun, sobrang lambing niya sa girl nu’ng may mga nakapalibot sa kanila, pero nu’ng akala niya, e, wala na ang lahat, back to reality na siya,” nalolokang kuwento ng aming impormante.

Kapag may mga promo sila ay ganu’n din kuno ang ginagawa ng male personality, lalo na kapag mall tour nila, na maraming fans na nagpupuntahan.

“Ganu’n din siya, malambing na malambing siya sa girl. Sa pagbaba pa lang sa car ng girl, e, nakaalalay na siya, pero kapag walang nakakakita, e, ni hindi nga niya inaalalayan ang babae!

“Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, napakadaling tumbukin kung sino siya, lagyan n’yo lang ng ekis ang kanyang name!” pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending