SINABI ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na kasama si dating pangulong Benigno Aquino III sa iimbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) para madetermina kung sino ang dapat managot sa P3.5 bilyong halaga ng dengue vaccine na tinawag na Dengvaxia.
“Everybody who was involved will be included in the NBI investigation,” sabi ni Aguirre.
Nagsimula ang dengue vaccination project sa panahon ng dating administrasyon sa ilalim ni dating Health secretary Janette Garin.
Ipinagpatuloy ito ng administrasyon ni Pangulong Duterte sa termino ni dating Health secretary Paulyn Ubial.
Ipinalabas ni Aguirre ang Department Order No. 763 na nagbibigay ng otoridad kayu NBI Director Dante Gierran na imbestigahan ang kontrobersiyal na vaccination program.
“We have to know why [the DOH] ordered such a huge amount of vaccine and immediately vaccinated 733,000 schoolchildren. Is that appropriate?” sabi ni Aguirre.
Idinagdag ni Aguirre na ipinatupad ng DOH ang programa apat na buwan lamang matapos itong maimbento ng pharmaceutical giant Sanofi Pasteur at pagkatapos ang naghain ng babala laban dito.
“So the next question is: ‘Did the DOH heed the warning? What was the effect [of the vaccine]?’ Then we have to look if there was criminal liability or graft and corruption aspect. But I don’t want to preempt the NBI,” sabi ni Aguirre.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.