Horoscope, December 04, 2017 | Bandera

Horoscope, December 04, 2017

Madam Sophia |December 04,2017
facebook
share this

Horoscope, December 04, 2017

Madam Sophia - December 04, 2017 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Alalahaning hindi kailangan ang mamahaling regalo ngayong papalapit na ang pasko, ang mahalaga yong maramdaman ang meaning na mahal mo siya. Sa pinansyal bamagat maraming gastos may malaking salaping biglang matatanggap. Mapalad ang 2, 7, 20, 25, 34, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Minna-Om.” Blue at pink ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Kung hindi mo tatapusin ang mga nakabinbing gawain matatabunan ka na naman. Sa pag-ibig, “laylo” muna sa minamahal, ang mga bagay na may kaugnayan sa career ang mas dapat na pagtuunan ng pansin. Mapalad ang 7, 11, 19, 20, 39, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Trata-Savitra-Om.” White at green ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Upang madagdagan ang income, umpisahan na kaagad ang negosyong may kaugnayan sa pagkain. Sa pag-ibig, panahon na upang pahalagahan ang ibinibigay sa iyong pagmamahal ng kasuyong Virgo. Mapalad ang 5, 16, 24, 33, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Bhagava-Githa-Om.” Green at lilac ang buenas

Gemini – (May 21-June 21)—May babala ng karamdaman. Uminom ng maraming fruit juice at kumain ng masustansyang gulay. Kailangan rin ang regular na ehersisyo. Bumili ng bagong bike at mag-bisikleta tuwing umaga. Mapalad ang 3, 18, 27, 33, 44 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Every day in every way I am getting better and better!” Pink at yellow ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Umiwas sa pakikipagtalo, may isang nilalang na mainitin ang ulo ang magpapahamak sa iyo. Sa mga walang kibong nilalang ka makipag-transaksyon upang hindi ka ma-racket. Sa pag-ibig, panahon na upang mag-move on. Mapalad ang 5, 14, 23, 36, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Speculum-Meum-Aum.” Orange at purple ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Magbabago ang buhay mo ngayon. At ang pagbabagong ito ay patungo sa pag-unlad, lalo na sa aspetong pang-pinansyal at pang kabuhayan. Kapag sagana sa salapi, magsikap kang mag-savings para sa future. Mapalad ang 1, 10, 28, 35, 39, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dimidium-Facti-Om.” Orange at violet ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Isulat sa malinis na papel ang mga bagay na maaaring makapagdagdag ng kita para sa susunod na taong 2018. Kung ngayon pa lang ay iplinapalno mo na ang susunod na taon, tiyak ang iyong pagwawagi at tagumpay lalo na sa pera at pananalapi. Mapalad ang 5, 19, 23, 28, 33, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna.” Blue at silver ang buenas

Libra – (September 23-October 23)— Dating ng dating ang pera sa linggong ito. Pero may mga gastusin dapat na paglaanan. Bilin lang ang mga bagay na kailangan at iwasang bilin ang mga bagay dahil gusto mo lang pero hindi naman kailangan. Mahalin ang pera upang mahalin ka rin nito. Mapalad ang 3, 18, 27, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Dhipana-Om-Bodhana.” Violet at yellow ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Mag-isip ng dagdag na pagkakakitaan. Mala-king halaga ang kikitain ngayong kapaskuhan kung magiging malikhain lamang ang iyong isipan. Sa pag-ibig, gamitin ang kasuyo upang madagdagan ang iyong kinikita. Mapalad ang 5, 18, 25, 37, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Yamuna-Om-Yasoda.” Blue at maroon ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Sa panahong ito ng kapaskuhan mga hindi inaasahang pangyayari ang magaganap. Biglang darami ang mahahawakang pera, hindi mo ito dapat ubusin, paabutin hanggang sumapit ang susunod na taong 2018 at magbukas ng negosyo. Mapalad ang 7, 18, 22, 26, 38, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Omne-Venit” Red at pink ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Iwasan ang pagiging dominante. Hindi mo dapat na underin ang kasuyo upang hindi siya mahumaling sa iba. Sa pinansyal, iplano na ang pamimigay na gagawain sa paskong darating. Pinapanood ka ng langit, kung gaano karami ang iyong ipamimigay, dobleng babalik din sa iyo ito sa susunod na tong 2018. Mapalad ang 7, 16, 24, 35, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Padma-Om-Om Padma.” Beige at maroon ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Kalimutan ang mga pangit na nagdaan. Pagandahin ang kapaligiran upang mahigop ang masaganang kapalaran. Bukas ng umaga magsabit na ng mga pang-Christmas décor. Sa pag-ibig, umiwas sa mga panget upang gumanda na ang love life. Mapalad ang 1, 8, 13, 25, 34, 40. Mahiwaga mong mantra: “Krisna-Rama-Om.” Yellow at purple ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)—Sa padaskol-daskol na pagkilos, pagkaubos ng pera ang kasunod. Sa pag-ibig, iwasang apurahin ang pakikipag-romansahan sa kasuyo. Sa dahan-dahan lang at unti-unting haplos mas magiging mainit ang pagniniig. Mapalad ang 5, 14, 23, 29, 32, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Slowly but surely.” Pink at red ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending