Lilipad ang Magnolia | Bandera

Lilipad ang Magnolia

Barry Pascua - December 03, 2017 - 12:12 AM

MUKHANG maririndi ang Chooks To Go na siyang sponsor ng Gilas Pilipinas sa pagpapalit ng pangalan na ginawa ng Star Hotshots papasok sa 43rd season ng Philippine Basketball Association.

Hindi na produkto ng Star tulad ng margarine at hotdogs ang ibabandera nila. Iba na ang ipo-promote ng koponang ito sa darating na season na magsisimula sa Disyembre 17.

Tatawagin na silang Magnolia Hotshots.

Magnolia, as in Magnolia Chicken. At ang kanilang slogan ay ang “Pambansang Manok!”

Wow!
Heto ang siste diyan, sng Magnolia (o Star o Purefoods) ang ikalawang pinakapopular na koponan sa liga at sa bansa sa likod ng crowd-favorite Barangay Ginebra. Iyan ay ayon sa pag-aaral ng mga mahilig sa trending.

E sa Disyembre 25 ay maghaharap kaagad ang Gin Kings at Hotshots sa Christmas Day offering ng PBA sa Philippine Arena. Inaasahang sold out ang tickets para sa larong ito at dadagsain ang venue.

At ang hindi makapupunta sa Bocaue, Bulacan ay tiyak na manonood na lang sa television sets nila.

Isipin ninyo iyon! Bongga kaagad ang unang laro ng Magnolia Hotshots sa PBA. Ganoong kalaking mileage ang makukuha ng Magnolia.

Malamang na sa noche buena ay panay Magnolia Chicken ang handa ng mga tao at ilan lang ang bibili ng Chook’s To Go, Andok’s, Baliwag, Manok ni Sr. Pedro at Pagtakhan Lechon Manok sa Cavite.

Ganoon din sa media noche para sa Bagong Taon.

E isang game pa lang iyon.

Sangkatutak na games ang lalaruin ng Magnolia sa 43rd season. At hindi naman pipitsuging team ang Magnolia.

Noong isang taon ay nakarating ang koponang ito sa semifinal round ng tatlong conferences pero kinapos nga lang at hindi umabot sa best-of-seven championship series.

At nanatiling malakas ang lineup ng Magnolia dahil hindi naman kinalantari ni coach Chito Victolero ang kanyang koponan.

Nanatiling intact ang Hotshots.

Tatlong rookies lang ang idinagdag ni Victolero at ito ay sina Rob Herndon, Gwynne Capacio at McLean Sabelina.

Ang beteranong si Rafi Reavis ang team captain at si Marc Pingris ang co-captain. Nandoon pa rin sina Paul Lee, Mark Barroca, Ian Sangalang, Peter June Simon, Justn Melton at Jio Jalalon.

Ang nakakakaba ay ang naging pahayag ni team manager Alvin Patrimonio sa team presentation noong nakaraang Lunes sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Aniya, sa buong paglalaro niya sa koponang ito (at napakahaba nito ha), palaging nagkakampeon ang team sa unang taon kapag nagpapalit sila ng pangalan.

Matindi iyan kapag nag-champion ang Magnolia. Malamang na ilalampaso nito ang lahat ng karibal na magmamanok sa bansa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lilipad ang Magnolia sa taong ito!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending