Aldub Nation tuloy ang rally sa Broadway: Walang iwanan! tuloy lang po ang laban! | Bandera

Aldub Nation tuloy ang rally sa Broadway: Walang iwanan! tuloy lang po ang laban!

Jun Nardo |December 03,2017
facebook
share this

Aldub Nation tuloy ang rally sa Broadway: Walang iwanan! tuloy lang po ang laban!

Jun Nardo - December 03, 2017 - 12:40 AM

SUMUGOD SA BROADWAY CENTRUM ANG ALDUB NATION

PATULOY ang pangangalampag sa Broadway Centrum ng AlDub Nation. Bumuhos na naman ang tropa nila kahapon upang ipagsigawan na hinding-hindi nila iiwan ang mga idolo nilang sina Alden Richards at Maine Mendoza.

Maging ang ilang taong nasa labas ng showbiz ay tinatanong kami kung iiwan na ni Meng ang Eat Buluga. Siyempre, imposibleng mangyari ‘yon dahil parte na ng buhay niya ang noontime show.

Sa totoo lang, matapos ang kontrobersiyang nilikha ng kanyang open letter, tuloy pa rin ang buhay-showbiz ng Phenomenal Star. Present siya sa isang event ng cellphone brand.

Tapos, tumulong din siya sa pa-anunsyo ng kanselasyon ng isang event ng endorsement niya. Eh guest pa nga siya ngayong araw na ito sa weekly fantasy series ng GMA na Daig Kayo ng Lola Ko.

Kaya chill lang ADN and pray that everything will be back to normal para sa inyong petmalu na mga lodi!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending