Derek 1 taon nang ka-live in ang dyowang model | Bandera

Derek 1 taon nang ka-live in ang dyowang model

Reggee Bonoan - December 03, 2017 - 12:05 AM

DEREK RAMSAY AT JOANNE VILLABLANCA

HINDI big deal kay Derek Ramsay kung second choice lang siya bilang leading man ni Jennylyn Mercado sa pelikulang “All Of You” na kasama sa 2017 Metro Manila Film Festival showing sa Dis. 25.

Ang katwiran ng aktor, “With all my movies, second option talaga ‘ko. I think, I’ve never done a movie na ako ang first option. So I’m perfectly fine. Isang tawag lang ni Atty. Joji (Alonso) sa akin. I think wala pang two days.”

Laging to the rescue si Derek kapag kailangan siya ng Quantum Films, mapapelikula man o pang-personal lalo na sa pamilya’t mga kaibigan.

Sa unang pagsasama nina Derek at Jennylyn sa “English Only Please” ay nanalo siya ng best actor sa MMFF kaya natanong ang aktor kung posibleng manalo ulit siya para sa “AOY”.

“That’s just a bonus for me. As an actor, we should always work as a team. Kung magkakaroon ng award, I’ll be very, very happy of course. But if not, I’m very, very happy right now kasi, we’re given a very good film,” nakangiting sabi ni Derek.

Samantala, kinlaro ni Derek na hindi totoong pumirma na siya ng kontrata sa ABS-CBN kung saan nakita siyang nakipag-meeting sa ilang executives ng network.

Ayon sa aktor, may pelikula siyang gagawin kasama sina Bea Alonzo at Paulo Avelino sa Star Cinema at nag-courtesy call lang siya sa mga big bosses ng network.

“It’s more of we finally had that talk that was long overdue to squash whatever it is that happened.

“It’s a courtesy call, I got to speak with Tita Malou (Santos), Tita Cory (Vidanes), Gabby Lopez, just to show that kasi it is a big thing and we never had closure. So I vented out why and they vented out why.

“It was just like a bunch of friends na nagkatampuhan and we walked out there, relieved, and to look forward which is this movie with Bea and Paulo, which will start off on January. It’s a big project,” kuwento pa ng aktor.

Matatandaang nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan si Derek at ABS-CBN bigwigs nang lumipat siya sa TV5 noong 2012 at hanggang ngayon ay nananatili pa rin siyang Kapatid talent.

“I am still under contract with TV5, so my loyalty is with TV5. My contract expires April of next year so they have all of me and I’m gonna give a hundred percent to TV5 because I am committed to them,” paliwanag ni Derek.

Paano kung pabalikin na siya sa ABS-CBN pagkatapos ng kontrata niya sa Kapatid network.
“After that, if they still want my services, then I will give them that respect and siyempre, sila pa rin yung priority ko. But if not, I’ll see what happens,” sagot ng aktor.

Sa telebisyon lang naman naka-exclusive contract si Derek, pero sa pelikula ay malaya siyang nakagagawa sa Star Cinema.

“I guess people would question, ‘I thought, why would he be doing a movie with Star Cinema if there’s animosity between the two?’

“But you know, I had no hate against ABS-CBN. It was more of hurt, and the same thing with them, and we were able to clear it all out,” say pa ng aktor nang makorner ng ilang reporter pagkatapos ng presscon ng “All Of You” na idinirek ni Dan Villegas para sa Quantum Films, MJM Productions, Globe Studios at Planet Media Productions.

***

Bukod sa magandang takbo ng kanyang career, maligaya rin ngayon si Derek sa kanyang personal na buhay. Tatlong taon na silang magkarelasyon ng kanyang live in partner na si Joanne Villablanca.

Inamin ng aktor na nagsasama na sila ni Joanne sa isang bubong, “Practically, we are. For a year. Iyong isang guest room ko, naging room na ni Sophie,” aniya. Ang Sophie na tinutukoy ni Derek ay anak ni Joanne sa dati nitong karelasyon. Ibig sabihin, pareho silang may anak sa dati nilang partner.

Naikuwento nga ng aktor na makakasama niya ang kanyang anak na si Austin ngayong darating na Pasko, “He’s gonna come here again for Christmas. Ang problema lang is his passport is expiring in February, and we can’t get him an appointment. Ang hirap kasi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“So, if he comes here, hindi siya makakabalik to go to school. So we’re trying to get an appointment. Ayoko naman mag-skip ng line, kawawa naman yung ibang tao na naghihintay,” kuwento pa ni Derek.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending