John kay Jake: Wag mong sasaktan si Inah, sasaktan din kita! | Bandera

John kay Jake: Wag mong sasaktan si Inah, sasaktan din kita!

Alex Brosas |December 01,2017
facebook
share this

John kay Jake: Wag mong sasaktan si Inah, sasaktan din kita!

Alex Brosas - December 01, 2017 - 12:45 AM

JOHN ESTRADA, INAH DE BELEN AT JAKE VARGAS

MARAMI ang nag-react sa recent interview ni John Estrada in which he articulated his stance sa dyowa ng anak niyang si Inah de Belen na si Jake Vargas.

“Ako, basta mahalin mo lang nang husto ang anak ko. Huwag mo lang saktan dahil sasaktan kita. Huwag mo lang saktan ang anak ko physically, pagbuhatan ng kamay.

“Kaya nga ‘yung speech ko na kung sino man ang mauna sa mga anak ko na mag-asawa, huwag naman muna…pero si Inah kasi she’s of age already, puwede na pero sa mga panahong ito, late na nagsisipag-asawa, mga 30. Yung speech ko sa mga anak ko nu’ng wedding ko, lalo na sa mga babae kong anak, ‘wag niyo lang pagbuhatan ng kamay ang mga anak ko,” John said.

Until now pala ay hindi pa niya nami-meet nang personal si Jake.

With his statement, nagtalo ang netizens. Some sided with John, ‘yung iba naman ay against sa sinabi niya.

“Probably, John is afraid of his own shadow. He fears that what he did in the past might happen to his own daughter. Hope his history won’t be repeated,” opined one guy.

To which one fan countered as he said, “Tama lang sinabi niya kung ako ama at mahal mo anak mo poproteksyunan mo anak mo babae dapat pag lumiligaw kapa lang magpaalam karin sa ama ng liniligawan mo bilang respeto at tanda ng seryoso ka sa pagibig ngsa anak niya.”

“Kung madami kang nasagasaang magulang ng mga chicks mo nuong araw ay baka at malamang mangyayari rin sayo at sa mga anak mong babae…Gawain mo kase tsong!” one fan said.

“Normal reaction yan para sa mga ama na mahal nila anak nila! Babaero man o hindi ung tatay mahal nya anak nya natural saktan mo anak ko kahit nga lalake anak mo pag nasaktan ng iba ilalaban mo.

“Tsaka magsipagbasa muna kayo bago mag react, saktan na pagbuhatan ng kamay ang sabi nya, hindi naman niya sasakyan ng walang ginagawang masama!” say ng isang maka-John.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Tama, gawain niya kasi. Talagang ganun. Tanggap mo rin kahit ano mangyari. Kung hindi man sila edi tanggapin mo rin! Ganun ka din naman, nang iiwan! Wag lang manakit nga! Bawal na yun!” one guy wailed.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending