Julia ayaw sumali sa beauty pageant: Maiikli ang legs ko! | Bandera

Julia ayaw sumali sa beauty pageant: Maiikli ang legs ko!

- November 27, 2017 - 12:01 AM

JULIA BARRETTO

MARAMI ang um-agree sa sinabi ni Megastar Sharon Cuneta na para sa kanya ay si Julia Barretto ang pinakamaganda sa kanilang angkan.

Magkasama sila sa bagong movie ng Star Cinema, ang “Unexpectedly Yours” kung saan gaganap silang magnanay.

In fairness, talaga namang kakaiba rin ang ganda ng dalaga, not to mention the fact na matalino rin siya tulad ng kanyang mga kapamilya sa showbiz.

Kaya naman pagkatapos ng presscon ng “Unexpectedly Yours” last Saturday, natanong ang dalaga kung may ambis-yon din ba siyang maging beauty queen someday dahil pasok sa banga ang mga qua-lities niya.

Sagot ni Julia, “Unang-una napakaliit kong tao. Se-cond, sobrang maiksi po iyong legs ko.”

Mas gusto raw niyang pagtuunan ng pansin at bigyan ng focus ang kanyang showbiz career, “I love my craft. I love acting so much and I want to continue on it to improve.

“Mataas iyong respeto ko para sa mga sumasali ng Miss Universe pero pakiramdam ko hindi para sa akin iyon,” aniya pa.

Anyway, showing na sa Nov. 29 ang “Unexpectedly Yours”, ang balik-tambalan nila ni Joshua Garcia at ang pinakaaabangang reunion movie nina Sharon at Robin Padilla sa direksyon ng blockbuster director na si Cathy Garcia Molina.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending