Kris may sariling bodega ng mamahaling bag at sapatos | Bandera

Kris may sariling bodega ng mamahaling bag at sapatos

Cristy Fermin - November 26, 2017 - 12:25 AM

KRIS AQUINO

MAY karapatang mamigay ng mga regalo si Kris Aquino anumang oras at panahon. Hindi na kailangan pang magkaroon ng okasyon para mamahagi siya ng mga regalo sa kahit sinong gusto niyang bigyan.

Napakalaki ng bodega ng kanyang mag branded stuff. Kung merong isa o dalawang piraso ng mamahaling kagamitan ang ibang artista ay merong sampu o higit pa du’n si Kris.

Ganu’n siya katindi. At wala namang masama du’n dahil nagtatrabaho siya nang sagad, nagpapakahirap siyang magtrabaho, kaya dapat lang naman niyang bigyan ng sorpresa ang kanyang sarili.

Grabe ang koleksiyon ni Kris ng mga sapatos at bags, kayamanan nang maituturing ang mga ‘yun, dahil daang libo ang halaga ng bawat isa. Ganu’n siya kabongga.

Kaya kung mamigay man ng mga regalo si Kris ngayong Kapaskuhan ay kering-keri niya, para lang siyang tinatalbusan, hindi mababawasan ang kanyang mga koleksiyon.

Kapag may sapat na panahon siya sa pagpapalinis ng kanyang bodega ay namimigay siya ng mga branded bags and shoes sa kanyang staff nu’n sa ABS-CBN. Kapag naglilipat-bahay naman siya ay ipinatatawag niya ang mga ka-close niyang staff at kaibigan para bigyan ng mga mamahaling kagamitan.

Hindi na niya dinadala ang mga ‘yun sa bahay na lilipatan niya, nagbago na ang taste niya, kaya ipinamimigay na niya kahit ang mga mamahalin niyang furniture.

Ganu’n kahenerosa si Kris Aquino!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending