Makapag-aasawa pa bang muli?
Sulat mula kay Margie ng Catabban, Burgos, Isabela
Dear Sir Greenfield,
Maganda naman sana ang pagsasama namin ng mister ko kung hindi lang ako nag-apply sa abroad. Nito kasing February ay nagsimula akong mag-apply sa abroad, kaya lang ay na-illegal recruiter ako. Nawala tuloy ang perang ipinangutang lang namin ng mister ko kung saan-saan. Simula nang nawala iyon ay lagi na kaming nag-aaway ng mister ko at sinisisi niya ako. Kinalaunan ay nagkahiwalay na kami. Dalawa ang aming anak, isang lalaki at isang babae. Ang lalaki nasa kanyang pangangalaga at iyong babae naman ay nasa akin. Namasukan akong katulong at sa ngayon ay hirap na hirap ako kasi maliit lang ang suweldo. Maaga pa lang gumigising na ako tapos minumura pa ako ng aking amo at kung ano-anong utos ang ipinapagawa sa akin. Gusto ko na sanang umalis dito, ang kaso wala naman akong malilipatang iba. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung sa ganitong kalagayan ng buhay ko may pag-asa pa kaya akong umunlad at kung mag-aasawa akong muli susuwertehin kaya ako para may makatuwang ako sa buhay. O baka naman magkakabalikan pa ba kami ng mister ko? November 14, 1988 ang birthday ko.
Umaasa,
Margie ng Isabela
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
“Makapag-aasawa ka pa” – ito ang nais sabihin ng dalawang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1. at 2.) sa iyong palad. Ibig sabihin, kahit na nilayasan ka na ng una mong asawa ay umasa kang may darating na ikalawa at sa ikalawang pakikipagrelasyon ay may pangako ng habang buhay na pag-unlad at ligaya.
Cartomancy:
“Mayaman ang susunod mong mapapangasawa at ito ay magaganap sa taong 2019,” ito ang nais sabihing ng barahang King of Diamonds, Queen of Diamonds at Ten of Hearts, kung saan, ang pag-aasawang tinuran ang magdadala din sa iyo sa pagyaman, hatid ng isang lalaking halos 10 taon ang agwat sa iyo ng kanyang edad.
Itutuloy…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.