HINDI ko maarok ang utak ng isang ama na manggahasa ng kanyang sariling anak, na dugo ng kanyang dugo at laman ng kanyang laman.
Si Ana (di niya tunay na pangalan) ay pumunta sa aking tanggapan sa “Isumbong mo kay Tulfo” sa DWIZ (882 khz AM sa piitan) sa Pasig City kahapon.
Nagpapatulong si Ana na mapartehan siya ng ari-arian ng kanyang amang pumanaw na.
Kilalang-kilala ko ang ama ni Ana na namatay sa stroke noong Marso lang.
Sa aking pagkakakilala sa kanya, ang ama ni Ana ay isang napaka-disenteng pamilyadong tao.
Hindi ako makapaniwala nang sabihin sa akin ni Ana, 31 anyos, na meron siyang dalawang anak na babae, edad 16 at 10, sa kanyang sariling ama.
In other words, ang anak ni Ana ay kanya ring mga kapatid. Ang dalawang bata sa kanyang ama ay apo rin ng kanyang ama.
Sinabi ni Ana na hinalay siya ng kanyang ama noong siya’y 14 anyos pa lamang at nasa second year in high school.
Nang siya’y mabuntis ay itinago siya ng kanyang ama sa Bicol, na malayo sa lugar kung saan siya at ang kanyang ina at mga kapatid ay nanirahan.
Ang nanay ni Ana, na patay na, ay first wife ng kanyang ama.
May kinakasama na ibang babae ang kanyang ama nang ito’y mamatay.
Ang unang anak ni Ana ay napanganak sa Quezon City kung saan siya’y dinala galing Bicol.
Inalagaan muna niya ng ilang buwan ang bata at saka pinamigay.
Ang pangalawa niyang anak ay pinanganak sa isang bahay for unwed mothers na pinatatakbo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Nasa pangangalaga niya ngayon ang kanyang pangalawang anak sa kanyang itay.
Ang pangatlong anak ni Ana, at ang bata sa kanyang sinapupunan ay sa kanyang live-in partner na isang sidewalk vendor.
Susmaryosep, bakit pinabayaan si Ana ng kanyang ama na isang mayamang tao!
Ang ama ni Ana ay isang engineer at inventor.
Yumaman siya sa kanyang mga inventions.
Sinabi ni Ana na sinampahan niya ng kasong kriminal ang kanyang ama sa tulong ng DSWD.
Pero kanyang inatras ang mga ito nang lumuhod sa kanya ang ama at kanya namang pinatawad.
Kaya’t di lumabas sa mga pahayagan ang madilim na sikreto ng kanilang pamilya.
Sana’y nagsisinungaling si Ana sa kanyang kuwento sa akin, pero bakit naman niya sisirain ang kanyang sariling puri at ng kanyang ama kung hindi totoo?
>>>
Pangatlong beses na akong nakahawak ng mga reklamo tungkol sa ama na ginahasa ang kanilang sariling anak.
Ang unang kaso ay sa isang babae na sinamahan sa akin noong 1991 noong ang “Isumbong” ay nasa isang Catholic radio station.
The woman was in her mid-20s at may dalawang anak na lalaki sa kanyang sariling ama.
Sinamahan siya ng kanyang kapitbahay sa istasyon ng “Isumbong” at dali-dali kong dinala ang babae sa pulisya.
Nang malaman ng tatay na siya’y nagsumbong sa inyong lingkod ay nagpakamatay ito.
Ang pangalawang reklamong incestuous rape ay nangyari may lampas 10 taon na rin ang nakararaan.
Isang 14-anyos na dalagita ang dinala ng kanyang nanay sa akin dahil ito’y nabuntis ng kanyang ama.
Ang sanggol sa sinapupunan ng bata ay tatlong buwan na.
Humingi sa akin ng payo ang nanay kung anong dapat gawin—kung ipalalaglag niya ang sanggol o hayaan nang makalabas.
Ang aking payo ay ipalaglag ang sanggol habang hindi pa huli dahil malaki ang magiging problema ng bata kapag iniluwal niya ang sanggol.
Ang tatay ng bata ay nagtago at hindi ko na alam kung ito’y nahuli ng mga alagad ng batas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.