Ai Ai nagpakain na nga ng mga batang kalye, napasama pa
DAMN if you do, damn if you don’t ang nangyari kay Ai Ai delas Alas when she posted an Instagram photo where it showed na she spent some time for the street kids na humingi sa kanya ng pera pambili ng pagkain.
Ai Ai posted their conversation which led her to buy the kids food sa isang fastfood chain. Sinabi kasi ni Ai Ai na baka hindi sa pagkain mapunta ang perang ibibigay niya kaya para maniwala siya, siya na lang ang pinabili ng food ng street kids.
When it appeared sa isang popular website, praise and lait ang inabot ng komedyana.
“Sobrang bait naman niya ibinili niya talaga ng McDo. Kung ako maiinis ako kasi inutusan pa ako ha, hindi pa nakuntento sa 7/11. Hehe,” said one fan.
“Alam ko mabait si ate girl pero d talaga ko nata touch sa mga pagpopost ng ganito para malaman ng madla na may ginawa kang mabuti sa kapwa. Oh well Ai kahit may disclaimer ka pa,” said one basher.
“At may cameraman sa labas talaga para kita mukha niya mismo? So gnito set up. Labas muna si cameraman, then saka lalapit ang mga bata then capture. Kasi kung impromptu yan, wala ng time para lumabas pa ng kotse at kumuha ng photo. Magegets ko pa sana kung nasa loob ng kotse yung kumukuha. Susko!” said another basher.
q q q
Dinadayo ng sikat na celebrities ang Omotenashi Japanese resto na matatagpuan sa Congressional Avenue Extension, Tandang Sora, Quezon City.
The resto is owned by businesswoman Leng Borres, wife of former Quezon City councilor Jimmy Borres.
Ayon kay Leng, iba-iba ang choices ng celebrities. Favorite nina Gabby Concepcion, Agot Isidro, Enchong Dee and Arjo Atayde ang tenashi maki. Martin del Rosario likes salmon tatake salad. Piolo Pascual would always request for chicken teriyaki and takoyaki. Si Maja Salvador likes anything with shrimps naman.
“We specialize more on sauces. Ayun po ang ipinagkaiba namin sa ibang Japanese resto. We also have delivery with in the area lang po,” say ni Leng.
Ang name na Omotenashi ay nakuha ni Leng sa isang teacher niya sa Japan, “Ano ‘yan, eh, naghahanap ako ng magandang name, it was the idea of one of my professors in Japan. Omotenashi which means the highest form of service and hospitality in Japan. This is what I want to give our customers.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.