Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 3.7 ang Negros Oriental kagabi. Naramdaman ang lindol alas-8:36 ng gabi. Ang epicenter nito ay 13 kilometer sa kanluran ng Guihulngan at may lalim na 11 kilometro. Nagdulot ito ng Intensity III paggalaw sa Guihulngan. Intensity II sa Ayungon at Intensity I sa La Castellana at Moses Padilla sa Negros Occidental. Walang inaasahang aftershock sa lindol na ito ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending